Manilyn Reynes, sariling sikap sa lock-in taping ng Pepito Manaloto; Michael V., remote work muna

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2020
Manilyn Reynes (left), may bitbit na silya at todo-alcohol sa set ng Pepito Manaloto; Michael V. (right), sa bahay muna kukunan ang mga eksena.
PHOTO/S: @manilynreynes27 / @michaelbitoy Instagram

Balik-taping na ang Pepito Manaloto makalipas ang anim na buwang stay-at-home ang cast members nito dahil sa enforced quarantine.

Ang Pepito Manaloto ay ang Kapuso sitcom na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes.

Kahapon, September 3, nagsimula ang lock-in taping ng show.

Sa isang bahay sa New Manila, Quezon City, ang taping location ng Pepito Manaloto, pero wala sina Michael V. at Nova Villa, na kinunan ang kanilang mga eksena sa sarili nilang bahay.

Binigyan ng konsiderasyon si Michael, na nalampasan ang COVID-19 noong July, at pati na rin si Nova na senior citizen naman.

Mahigpit na pinairal ang safety protocols at social distancing sa taping ng Pepito Manaloto.

Pinagbabawalan ang staff na magsalita kapag inalis na ng mga artista ang suot nilang face shield kapag kukunan na sila ng mga eksena.

BAWAL MUNA ANG P.A. SA SET

Bawal sa mga artista ng Pepito Manaloto ang magsama ng personal assistant para makontrol ang bilang mga tao sa set.

Continue reading below ↓

Kaya solong dumating si Manilyn, na tumangging magpatulong sa production staff sa pagbibitbit ng kanyang mga gamit bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.

May dala ring sariling silya si Manilyn na ginagamit niya sa taping. Pero kahit mabigat ay kinaya itong buhatin ni Manilyn dahil talagang sumunod siya sa ipinatupad na safety protocols.

Bago pa nagkaroon ng coronavirus pandemic, naging ugali na ni Manilyn ang pagpapahid ng alcohol sa katawan at kamay, pero nadoble raw ngayon para makaiwas sa sakit.

FIRST SCENE FOR PEPITO MANALOTO

Sa kanyang Instagram post kahapon, ipinakita ni Manilyn ang litrato nila ng co-star na si Arthur Solinap at make-up artist na si Dexter Amoring.

"Ngayon na lang po uli nakapag-taping sa labas, simula community quaratine nung Mar. 15.

"First scene po ito ~ sina Elsa at Robert

"Lahat po nakasunod sa mga kinakailangang gawin para mapanitiling safe ang bawat isa. Salamat po, dear God."


Continue reading below ↓

Mapapanood simula sa September 12 ang fresh episode ng Pepito Manaloto, kaya special episode muna ang matutunghayan bukas, September 5.

Ibabahagi ng cast ang kanilang mga quarantine experience sa loob ng anim na buwan at ang pasasalamat nila sa loyal viewers ng kanilang programa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manilyn Reynes (left), may bitbit na silya at todo-alcohol sa set ng Pepito Manaloto; Michael V. (right), sa bahay muna kukunan ang mga eksena.
PHOTO/S: @manilynreynes27 / @michaelbitoy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results