GMA-7, may dalawang bagong programa ngayong September; taping ng episode ni Alden, di natuloy

by Jojo Gabinete
Sep 4, 2020
Magsisimula ngayong September ang bagong week-long series ng GMA-7 na I Can See You, tampok sina Paolo Contis at Andrea Torres (kaliwa) sa unang episode; at ang Thai version ng My Love From Another Star tampok sina Nadech Kugimiya at Matt Peeranee Kongthai.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

Dalawang bagong programa ng GMA-7 ang mapapanood ngayong Setyembre.

Una, ang Thai television series na My Love From Another Star na pinagbibidahan ni Thai superstar Nadech Kugimiya at ng aktres na si Matt Peeranee Kongthai.

Ipalalabas simula sa Lunes, September 7, 10:45 p.m., ang My Love From Another Star, na hango sa original hit South Korean drama na My Love From the Star.

Nag-umpisa na rin ang taping ng cast ng I Can See You: The Promise na tinatampukan nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, at Benjamin Alves; at mula sa direksiyon ni Zig Dulay.

Nagsimula ang taping ng I Can See You: The Promise noong Miyerkules, September 2. Kinukunan ngayon hanggang sa Linggo, September 6, ang mga eksena ng apat na artista sa Mountain Lake Resort sa Lake Caliraya, Laguna.

Ang I Can See You: The Promise ang first drama project ni Paolo pagkatapos mapansin at purihin ang kanyang performance sa Through Night and Day nang ipalabas ito sa Netflix.

Continue reading below ↓

Dalawang pelikula rin ang gagawin ni Paolo para sa isang major movie company dahil bumilib ang film producer sa akting na ipinamalas niya sa pelikula nila ni Alessandra de Rossi.

Ang I Can See You: Love on the Balcony ang dapat unang episode ng bagong drama series ng Kapuso Network, pero hindi natuloy ang taping nito dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.

Mga bida sa Love on the Balcony sina Alden Richards, Jasmine Curtis Smith, at Pancho Magno.

Naka-line up na rin ang ibang mga episode ng I Can See You—ang High Rise Lovers at Truly, Madly, Deadly na tatampukan ng ibang mga Kapuso star.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsisimula ngayong September ang bagong week-long series ng GMA-7 na I Can See You, tampok sina Paolo Contis at Andrea Torres (kaliwa) sa unang episode; at ang Thai version ng My Love From Another Star tampok sina Nadech Kugimiya at Matt Peeranee Kongthai.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results