Pokwang at Jessy Mendiola, inamin ang struggle sa English language

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2020
TV5 hosts Pokwang (left) and Jessy Mendiola (right) are grateful for having supportive partners.
PHOTO/S: Instagram

Halos pareho ang kuwento nina Pokwang at Jessy Mendiola tungkol sa struggle nila sa pagsasalita ng lenguwaheng Ingles—at kapwa supportive raw ang kani-kanilang mga partner.

Limang taon nang nagsasama si Pokwang at ang American actor na si Lee O’Brian, pero hanggang ngayon ay hirap pa rin ang comedienne at Chika, BESH co-host sa komunikasyon nila.

Aminado si Pokwang na malaking pagsisikap para sa kanya ang pagsasalita ng Ingles.

"Papang" ang term of endearment ni Pokwang kay Lee, at nagpasasalamat siya sa ama ng kanyang anak dahil ito ang gumagawa ng paraan para magkaintindihan sila.

Lahad ni Pokwang, "In all fairness po kay Papang, um-adjust siya nang bonggang-bongga.

"Tina-try ko po na ako um-adjust, siguro nakita niya hirap ako. Ultimo gay lingó, pinag-aralan niya.

"Kahit ano pong gawin ko talagang English, tina-try ko talaga, kaya lang kapag away namin, yung kailangan nang malalalim… nagba-buffering ako.

"Lumalayo na lang po ako kasi hindi ko ma-express nang tama. Baka mamaya mauwi sa hindi maganda, so ako na lang yung lalayo.

Continue reading below ↓

"And then, mamaya nang konti, siya na yung lalapit na, ‘Babe, kakain na,’ in Tagalog."

Hindi itinago ni Pokwang ang sobrang paghanga niya sa mga adjustment na ginagawa ni Lee para magkaunawaan sila.

JESSY AND LUIS

Si Jessy ang host ng Fit For Life, ang Sunday morning fitness and lifestyle show ng TV5.

Bago pa naging host ng show, nagpapaturo at humihingi na si Jessy ng pointers mula sa boyfriend na si Luis Manzano, na isang award-winning television host.

"Actually, dati pa ako nagpapaturo sa kanya, kasi siyempre, nakakadugo din ang palaging nag-i-English, di ba?

"Baka mamaya nagho-host ako ng Fit for Life, biglang dumudugo yung ilong ko, pero hindi naman.

"Yun nga ang goal namin, to be relatable. Nagpapaturo ako kay Luis," sabi ni Jessy.

Malaki na ang improvement ni Jessy bilang host ng Fit For Life, kahit ito ang kanyang unang lifestyle program sa telebisyon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV5 hosts Pokwang (left) and Jessy Mendiola (right) are grateful for having supportive partners.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results