Maureen Larrazabal, tinamaan ng COVID-19; pinayagang mag-taping para sa Pepito Manaloto

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2020
Maureen Larrazabal on contracting COVID-19: "Buti naman, kahit mahal niya ako, di ko siya ramdam. Hindi pala scare ang nangyari sa akin noon. Asymptomatic ako. I really have no idea kung saan ako nahawa dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay."
PHOTO/S: Instagram

Ang tungkol sa coronavirus scare ni Maureen Larrazabal ang report ng Cabinet Files noong August 5, 2020.

Pero ngayong hapon, September 6, kinumpirma ng aktres na nagpositibo siya sa COVID-19 dahil ito ang resulta ng swab test sa kanya.

"Monthsary na namin. Ang clingy ni virus. Kaloka!" sabi ni Maureen sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files.

Hindi raw alam ni Maureen kung saan siya nahawa dahil asymptomatic siya.

"Buti naman, kahit mahal niya ako, di ko siya ramdam. Hindi pala scare ang nangyari sa akin noon.

"Asymptomatic ako. I really have no idea kung saan ako nahawa dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay."

Kuwento pa niya, "Once pa lang ako nag-swab after what happened to me last time. Positive pa rin ako dahil yung traces, nasa system ko pa.

"I need to quarantine again for fourteen days because baka nare-infect ako.

"Talagang pasalamat na lang ako at wala akong nararamdaman. Unlike noong una na talagang hindi ako halos makakakilos."

Continue reading below ↓

Kahanga-hanga ang ipinakikitang determinasyon ni Maureen para malampasan ang health crisis na nararanasan.

"Super workout ako para healthy. What to do?

"I can’t complain kasi walang symptoms and suwerte pa rin ako dahil marami ang to be thankful for.

"Mapapanood sa Maureen Larrazabal Official YouTube ko ang mga video ng exercises ko.

"Siyempre, gusto ko naman na after ng lahat ng mga pinagdaraanan ko, masasabi ko na survivor ako ng COVID-19 and I looked good having it."

May payo rin si Maureen sa mga kababayan nating pinanghihinaan ng loob dahil positibo sila sa COVID-19.

"Ay, huwag ma-depress at mawalan ng hope. Everything is temporary.

"Don’t let COVID stop you from doing the things that you want to do. Have faith and know that His plan is greater than ours.

"And huwag magnega at kung anu-anong hate posts or complaints kasi with everything that’s happening now, that’s the last thing we need."

Continue reading below ↓

Pero kung may lubos na ipinagpapasalamat si Maureen, ito raw ay ang pagmamahal at suportang ipinakikita sa kanya ng GMA-7.

Kahit naka-quarantine si Maureen, pinayagan siyang mag-taping para sa Pepito Manaloto.

Pero hindi siya obligadong pumunta sa set dahil kinunan ang kanyang mga eksena mula sa bahay niya sa pamamagitan ng Zoom at cellphone.

"Sobrang bait ng GMA-7. Twice a day ang pag-update ko sa kanila ng temperature ko at super hindi nila ako pinabayaan," sabi ni Maureen.

Ramdam na ramdam daw niya ang pagiging Kapuso dahil sa malasakit na natatanggap niya mula sa kanyang home network.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maureen Larrazabal on contracting COVID-19: "Buti naman, kahit mahal niya ako, di ko siya ramdam. Hindi pala scare ang nangyari sa akin noon. Asymptomatic ako. I really have no idea kung saan ako nahawa dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results