Ai-Ai delas Alas kay BB Gandanghari: "Mag-move on ka na din kay Papa P."

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2020
Ai-Ai delas Alas (left) to BB Gandanghari (right): "Masaya ka naman, bakit mga nananahimik, sinasama mo pa? Tama na."
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Parehong malapit sa puso ni Ai-Ai delas Alas sina Rustom Padilla at Piolo Pascual.

Bilang kaibigan, nabahala siya sa mga rebelasyon ni BB Gandanghari, ang bagong katauhan ni Rustom, sa vlog nito tungkol sa diumano’y nakaraan ng dalawang aktor na nag-umpisa sa San Francisco, California, noong 2001.

Sa pamamagitan ng direct messaging, ipinarating ni Ai-Ai kay BB ang kanyang mensahe at pagmamalasakit dahil naniniwala siyang mali ang ginawa nito kay Piolo.

Mensahe ni Ai-Ai kay BB: "Nananahimik na yung tao, iba na lang ang i-vlog mo, 'Neng. Mag-move on ka na din kay Papa P.

"Nakakaloka ka. Di ka pa ba masaya diyan?

"Masaya ka naman, bakit mga nananahimik, sinasama mo pa? Tama na."

Naniniwala si Ai-Ai na binago na ng panahon si BB nang natanggap niya ang sagot nito.

Sinabihan daw siya ng dating Rustom ng "hypocrite." Manahimik na lamang daw si Ai-Ai dahil wala itong alam tungkol kay BB.

Continue reading below ↓

Ayon kay Ai-Ai, malayo ang ugaling ito ni BB kay Rustom, na mahinahong magsalita at tawa lang nang tawa sa tuwing magkasama sila noon.

Pero hindi naman daw nagulat si Ai-Ai sa inasal ni BB.

Pinalawak na lang daw niya ang kanyang pang-unawa dahil baka nga marami na siyang hindi alam tungkol sa buhay ni BB mula nang talikuran nito ang tunay na pagkatao.

Marahil, hindi na raw niya kilala si BB, dahil si Rustom ang kanyang matalik na kaibigan noon.

Still, umiral kay Ai-Ai ang pagmamahal kay Rustom kahit nakatikim siya ng pagtataray mula kay BB.

Sagot daw niya kay BB: "Birthday mo. 'Kaloka. Wag ka na mag-emote. May pa-hypocrite-hypocrite ka pa.

"Enjoy mo na lang birthday mo. Ingat, keep safe."

Nakaramdam ng lungkot si Ai-Ai dahil hindi pabor kay BB ang mga komento tungkol sa rebelasyon nito tungkol kina “David at Jonathan,” at naagrabyado nang husto si “Jonathan” na tahimik namumuhay at walang sinasaktang tao.

Continue reading below ↓

RELATED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas (left) to BB Gandanghari (right): "Masaya ka naman, bakit mga nananahimik, sinasama mo pa? Tama na."
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results