Mga labi ni Marichu Vera-Perez Maceda, na-cremate na; Erap at Bong, nagbigay-pugay

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2020
Nagbigay-pugay sina dating Pangulong Joseph Estrada at Senator Bong Revilla sa yumaong movie producer na si Marichu Vera-Perez Maceda (nasa larawan).

Naganap ngayong gabi, September 7, ang cremation sa mga labi ng Philippine movie industry stalwart na si Marichu "Manay Ichu" Vera-Perez Maceda sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City.

Para sa pamilya ng mga yumao ang unang gabi ng lamay para sa cremated remains ni Manay Ichu sa Arlington.

Bukas, September 8, ililipat siya sa Sampaguita Pictures Chapel sa Gilmore Avenue, Quezon City.

Mahigpit na ipatutupad ang safety protocols sa Sampaguita Pictures Chapel.

Lilimitahan sa sampung katao ang maaaring pumasok sa loob ng kapilya, at any given time, para sa mga nais makiramay at magbigay ng huling pagpugay kay Manay Ichu.

ERAP ESTRADA

Isa sa mga matalik na kaibigan ni Manay Ichu si former President Joseph Estrada.

Labis ikinalungkot ni Erap ang pagkawala ng isang taong malaki ang malasakit sa mga manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino.

"Ako po ay nalulungkot sa pagpanaw ng isa sa matalik kong kaibigan sa mundo ng pinilakang tabing. Isang taong nirerespeto at haligi ng industriya ng Pelikulang Pilipino, Marichu Vera-Perez Maceda.

Continue reading below ↓

"Hanggang sa huli, ang maliliit na tao sa industriya ang iyong inaalala.

"Manay Ichu, saan ka man naroroon ngayon ay hinding-hindi kita malilimutan.

"Ako ay tinuring mo hindi lamang isang kaibigan, kundi bilang isang tunay na kapatid. Maraming salamat sa masasayang alaala. Mahal na mahal kita!” ang mensahe ng pamamaalam ni Erap kay Manay Ichu.

BONG REVILLA

Matinding kalungkutan din ang nararamdaman ni Senator Bong Revilla Jr. sa pagpanaw ni Manay Ichu, na itinuturing niyang kapamilya at ninang nila ni Lani Mercado sa kasal.

Mensahe niya, "Isang malungkot na pamamaalam sa isa pang haligi ng Pelikulang Pilipino—kay Manay Ichu—Marichu Vera-Perez Maceda.

"Hindi matatawaran ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng sining, na matatapatan lamang ng kanyang kabutihan at pagtulong sa kapwa.

"Higit pa sa kaibigan, si Manay Ichu ay para na rin naming pamilya. Higit pa itong napagtibay ng pag-anak nilang mag-asawang Senate President Ernie Maceda, sa aming kasal ni Lani.

Continue reading below ↓

"Sa kanyang mga naulilang mga anak, kina Manay Gina De Venecia, Tita Betchay Nakpil at sa iba pa niyang mga kapatid, kaanak at kaibigan, ang amin pong taus-pusong pakikiramay!

"Manay Ichu, words will never be enough to express how grateful I am for everything that you have done for me and my family.

"We will miss you, but as they say, no goodbyes! One day, we will see you again. Please say hi to Daddy and Mommy for us. May you find eternal peace in the loving arms of our Creator,” pahayag ni Bong sa pagkawala ni Manay Ichu.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay-pugay sina dating Pangulong Joseph Estrada at Senator Bong Revilla sa yumaong movie producer na si Marichu Vera-Perez Maceda (nasa larawan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results