Paolo Ballesteros nagkomento sa pag-out ni BB Gandanghari sa ibang personalidad

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2020
Paolo Ballesteros (left) on BB Gandanghari (right) revealing the past between Rustom Padilla and a famous actor: "Kung may nangyari man sa kanila or naging sila in the past, if it’s really true, then I don’t think there’s a problem with that at all... Now, if she’s making up stories, that’s a very different story."
PHOTO/S: Instagram

Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang aminin ni Paolo Ballesteros sa publiko ang kanyang sexual orientation noong August 2019.

Tinapos naman ni Rustom Padilla ang mga haka-haka tungkol sa kanyang tunay na sexual orientation nang umamin siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noon pang March 2006.

Tuluyan nang pinalaya ni Rustom ang sarili nang ganap nitong yakapin ang pagiging trans woman at ipinakilala sa madla si BB Gandanghari, ang kanyang bagong katauhan, noong 2009.

Sa kasalukuyan, ilang araw nang pinag-uusapan si BB dahil sa vlog revelation nito tungkol sa nakaraan umano nina Rustom Padilla at Piolo Pascual noong 2001.

Negatibo ang reaksiyon ng publiko.

Tingin nila ay may isang taong nananahimik na naaagrabyado. Para sa karamihan, mali ang ginawang pag-ungkat ni BB sa nakaraan.

Hindi nangyari ang inaasahan ni BB na pang-unawa mula sa mga nanood ng kanyang tell-all.

Mga kilalang showbiz personality na miyembro ng LGBTQ community sina BB at Paolo, na parehong nagkaroon ng dilemma bago nag-come out.

Continue reading below ↓

Ito ang dahilan kaya hiningi ng Cabinet Files ang opinyon ni Paolo tungkol sa pagri-reveal ni BB.

Tama ba ang ginawa ni BB na "i-out"—o ipangalandakan sa publiko—ang sexual orientation ng ibang tao?

“Hindi!” sagot ni Paolo.

Kaya kung sakali mang magkaroon si Paolo ng karelasyong kapwa aktor, makaaasa itong ligtas ang kanilang sikreto dahil hindi kiss-and-tell ang Eat Bulaga! co-host.

“I would never out someone. I think no one has the right to,” seryosong sagot ni Paolo sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files kagabi, September 7.

Pero binigyan pa rin niya ng benefit of the doubt si BB sa motibo nito.

Ani Paolo, “I don’t think BB purposely outed PJ [Piolo Pascual’s nickname] naman, kasi wala akong nakikitang mapapala niya if she outed him.

“She’s living her life happily sa U.S., at kung may nangyari man sa kanila or naging sila in the past, if it’s really true, then I don’t think there’s a problem with that at all.

Continue reading below ↓

“Baka naman naikukuwento niya lang, and I don’t really think that’s kiss-and-tell dahil napakatagal na nun.

“Now, if she’s making up stories, that’s a very different story.

"Silang dalawa lang ang nakakaalam ng totoo."

Patuloy ni Paolo, "Saka 2020 na, #Lovewins na nga. Anyone can love whoever they want to. No question about that.

"As long as wala silang tinatapakan na ibang tao, gow!”

Bagamat nasabi ni Paolo na hindi tama ang pag-out ng ibang tao, nagtataka naman siya na meron pang “outing issue.”

Bakit isyu ang in-out? Bakit in-out, e, meron naman mga straight na lalake na nagkakarelasyon sa bakla?

"If he’s straight, wala naman sigurong problem."

Sa mga dating interbyu kay Paolo, consistent ito sa pagsasabing si Piolo ang gusto niyang maging leading man sa pelikula. Pero hindi pa ito nagkakaroon ng katuparan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros (left) on BB Gandanghari (right) revealing the past between Rustom Padilla and a famous actor: "Kung may nangyari man sa kanila or naging sila in the past, if it’s really true, then I don’t think there’s a problem with that at all... Now, if she’s making up stories, that’s a very different story."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results