Renz Fernandez, ka-birthday si Virgin Mary; wish mawala ang COVID-19

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2020
Renz Fernandez, son of Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez, turns 33 today, September 8, which is also the birthday of the Blessed Virgin Mary.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7

Madaling-araw pa lang ng September 8 ay nag-trending kaagad sa social media si Blessed Virgin Mary dahil ginugunita ngayon ng mga Kristiyano ang kaarawan niya.

Tinanong ng Cabinet Files ang isang pari tungkol sa tunay na edad ni Blessed Virgin Mary.

Sa tantiya niya, 2,036 years old na ang ina ni Hesus Kristo sa birth anniversary nito ngayong 2020.

Sa pagitan ng 15 at 16 naman ang sagot ng pari nang itanong namin ang edad ni Blessed Virgin Mary nang isilang nito si Hesus Kristo sa pagitan ng 6 B.C. at 4 B.C..

Ang magkaroon ng himala at maglaho ang coronavirus pandemic sa kaarawan ni Blessed Virgin Mary ang ilan sa mga panalangin para bumalik na ang normal na pamumuhay ng lahat ng mga tao sa buong mundo.

Sa Pilipinas, madalas inirereklamo noon ang malupit na daloy ng trapiko sa EDSA.

Pero ngayon, mas gugustuhin ng mga kababayan nating araw-araw makipagbuno sa EDSA traffic, kapalit ang agad na pagkawala ng pandemya.

Continue reading below ↓

HAPPY BIRTHDAY, RENZ!

Ngayong araw ang birthday ni Renz Fernandez, ang bunsong anak nina Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

Hindi mahirap makalimutan ang petsa ng pagsisilang ni Lorna kay Renz, tatlumpo’t limang taon na ang nakalilipas, dahil pareho sila ng kaarawan ng Mahal Na Ina.

Ang mawala na rin ang COVID-19 sa mundo ang nag-iisa na hiling ni Renz para sa kanyang 35th birthday.

Dahil sa coronavirus pandemic, walang birthday celebration si Renz.

Mananatili lamang si Renz sa bahay nila tulad nang nakasanayan niya mula nang ipatupad ang lockdown noong March 15, 2020.

"Dito lang ako sa bahay, hindi ako lumalabas except kapag may important lang na gawain, like yung lock-in taping namin para sa Descendants of the Sun. Nag-last taping day ako noong September 5.

“Mami-miss ko talaga ang mga katrabaho ko sa Descendants of the Sun, ang cast, crew, at staff."

Nakapag-celebrate naman daw sila ng kaarawan ni Renz sa kabila ng busy sila sa taping.

Continue reading below ↓

"Tamang get-together lang," aniya.

Walang idea si Renz kung kailan muling mapapanood sa GMA-7 ang kanilang primetime series na nahinto ang taping at airing dahil sa COVID-19 pandemic.

Ano ang mga pinagkakaabalahan niya habang nasa bahay siya?

Sagot niya, "Work out, nanonood ng movies, nagbabasa ng book, at naglalaro ng games."

Na-realize din niyang napakaimportanteng magpalakas ng immune system ngayong pandemic sa pamamagitan ng wastong pagkain, ensayo, at sapat na tulog.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Renz Fernandez, son of Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez, turns 33 today, September 8, which is also the birthday of the Blessed Virgin Mary.
PHOTO/S: Courtesy of GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results