Mayor Isko Moreno, ipasasara mga sementeryo sa Maynila sa darating na Undas

by Jojo Gabinete
Sep 8, 2020
Manila Mayor Isko Moreno: “Patawarin niyo po ako kung sakaling masasaktan ko ang inyong damdamin na hindi makita ang inyong mga mahal sa buhay sa partikular na panahon na iyon. Inagapan namin na makabisita po kayo sa panahon ngayon.”
PHOTO/S: Manila Public Information Office

Pang-unawa ang hinihingi ni Mayor Isko Moreno mula sa mga mamamayan ng Maynila sa kanyang desisyong isara ang mga sementeryo ng lungsod sa Araw ng mga Patay.

Sa bisa ng Executive Order No. 38 na kanyang nilagdaan ngayong araw, September 8, ipasasara ang mga sementeryo sa Maynila mula October 31 hanggang November 3, 2020.

May kinalaman ang coronavirus pandemic sa pasya ni Mayor Isko na isara ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery, na dinarayo ng libo-libo tuwing Undas.

“Kaya ko po ito ginagawa ngayon, para mabigyan kayo ng sapat na panahon ng humigit-kumulang dalawang buwan na mabisita ang inyong mga mahal sa buhay na nahimlay sa mga pribado at pampublikong sementeryo,” ang mensahe na ipinarating ng alkalde sa kanyang nakaugaliang Facebook Live broadcast.

Humingi rin si Mayor Isko ng paumanhin sa mga kababayang posibleng nasaktan sa aksyon na kanyang ginawa.

“Patawarin niyo po ako kung sakaling masasaktan ko ang inyong damdamin na hindi makita ang inyong mga mahal sa buhay sa partikular na panahon na iyon. Inagapan namin na makabisita po kayo sa panahon ngayon.”

Continue reading below ↓

Kung sakaling magkaroon ng pagbabago sa public health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan ni Presidente Rodrigo Duterte, handang bawiin ni Mayor Isko ang Executive Order No. 38.

Pero mananatiling nakasara ang mga sementeryo sa Maynila habang nasa ilalim ito ng General Community Quarantine.

“Tayo po ay nasa GCQ. Ibig sabihin, may mga panahon, mga araw, oras na hindi natin kailangan magsiksikan, magpahirapan sa pila, na mabisita ang mga mahal sa buhay sa kani-kanilang mga pribadong sementeryo o kolumbaryo, o sa mga pampublikong sementeryo,” paliwanag ni Mayor Isko.

Inaasahang tutularan ng ibang mga alkalde sa Metro Manila at mga probinsiya ang desisyon ni Mayor Isko na isara ang mga libingan sa Araw ng mga Patay.

Ito ay para maiwasan ang pagdagsa at pagsisiksikan na mga tao sa sementeryo na posibleng maging dahilan para kumalat at tumaas pa ang mga kaso ng COVID-19.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno: “Patawarin niyo po ako kung sakaling masasaktan ko ang inyong damdamin na hindi makita ang inyong mga mahal sa buhay sa partikular na panahon na iyon. Inagapan namin na makabisita po kayo sa panahon ngayon.”
PHOTO/S: Manila Public Information Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results