EJ Laure at Bugoy Cariño, walang pananagutan sa batas — legal expert

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2020
Inuulan ngayon ng batikos ang volleyball star na si EJ Laure at ang dating child star na si Bugoy Cariño matapos nilang umaming mayroon na silang two-year-old daughter.
PHOTO/S: Instagram

May dapat bang ikabahala si EJ Laure kaugnay ng mga batikos na puwede siyang sampahan ng kasong child abuse dahil menor de edad si Bugoy Cariño nang magkaroon sila ng relasyon?

Ang sagot: walang dapat ikabahala ang volleyball star dahil walang magrereklamo laban sa kanya.

Parehong biktima ng bashing ang dalawa dahil ipinipilit ng kanilang mga kritiko na dapat idemanda ng child abuse ang dating UST player, sa bisa ng Republic Act 7610.

Ayon sa mga ulat, 15 anyos lamang noon si Bugoy nang mabuntis niya si EJ, na noon ay 19 anyos.

Isinilang ang kanilang anak na babae noong 2018, at noong taong iyon ay 16 na si Bugoy.

Kumonsulta ang Cabinet Files sa isang lawyer tungkol sa sitwasyon nina Bugoy at EJ.

“Sino ang magpa-file ng case?” tanong ni Atty. June Ambrosio, ang legal expert na nakausap ng Cabinet Files.

“Maaaring may basbas ng mga magulang ni Bugoy ang relasyon nila ni EJ kaya walang kaso."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Atty. Ambrosio, "Isa pa, adult na ang supposed victim. Kahit rape pa ‘yan, defense ang pakikisama niya sa alleged perpetrator after he turned 18."

Tumuntong sa edad na 18 si Bugoy noong September 3.

Noong araw ring iyon inamin nina Bugoy at EJ na may anak na sila, pagkatapos ng dalawang taong pagtanggi kapag ini-interview sila ng media.

Dalawampung taon ang prescription period sa mga kaso ng pang-aabuso.

Kung mapatunayang nagkasala ang nasasakdal, 12 hanggang 20 years ang magiging parusa sa kanya.

Sa kanyang Facebook post noong March 2018, itinanggi ni EJ na buntis siya.

Pahayag ng volleyball player, "Ewan ko ba kasi talaga sa trip nyo [laughing emoji] basta ako I've been enjoying my life and resting my shoulder for S81 been living nice and simple then makakabasa ako ng kung ano ano [smiley emoji].

"Just to end everything 'wala akong control sa isip nyo kasi may kanya kanya tayo' god bless na lang [heart emoji]."

Continue reading below ↓

Alam ni EJ at ng pamilya nitong magkakaroon siya ng pananagutan sa batas kaya marahil hindi muna niya inaming nabuntis siya ni Bugoy noong 15 ang huli.

Tila hinintay muna nilang tumuntong si Bugoy sa legal na edad.

Ipinaalam nila sa publiko ang pagkakaroon nila ng two-year-old daughter nang magdiwang ang dating child actor ng kanyang 18th birthday noong September 3, 2020.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inuulan ngayon ng batikos ang volleyball star na si EJ Laure at ang dating child star na si Bugoy Cariño matapos nilang umaming mayroon na silang two-year-old daughter.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results