DNA test kina John Regala at John Santos, negatibo ang resulta

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2020
Sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo inanunsiyo ang resulta ng DNA test na isinagawa sa aktor na si John Regala (kaliwa) at sa nagpakilalang anak niyang si John Santos (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Negatibo ang resulta ng DNA test kay John Regala at kay John Santos, ang 25-year-old resident ng Tanauan, Batangas, na nagpakilalang anak siya ng aktor.

Si Raffy Tulfo at ang staff ng programa niyang Wanted Sa Radyo ang tumulong para sumailalim sa DNA test ang dalawa nang magkaroon na ng kasagutan ang paghahanap ng nakababatang John sa tunay na ama nito.

"Hindi po kayo anak ni John Regala, sorry po Mr. John Santos," malungkot na deklarasyon ni Raffy nang basahin niya ang papel na nagsasaad ng resulta ng DNA test.

"Negative. Nakalagay rito na zero possibility, zero probability na si Mr. John Paul Santos ay anak ni John Paul Regala," sabi pa ni Raffy sa kanyang radio program nitong Miyerkules ng hapon, September 9.

Si Mrs. Gloria Silva del Mundo, isang kagawad ng Barangay Banjo East, Tanauan, Batangas, ang lumapit sa PEP.Ph noong July 30, 2020 para humingi ng tulong na makilala ni John Santos si John Regala.

Continue reading below ↓

Ayon kay Mrs. Del Mundo, kapitbahay nila si John Santos na matagal nang gustong makaharap nang personal ang aktor dahil ito umano ang kanyang biological father.

Sa kuwento ni John Santos sa Cabinet Files noong July 31, 2020, nagkakilala si John Regala at ang kanyang ina na si Vilma Santos (hindi ang Star for All Seasons) sa Tokyo, Japan, noong 1994.

Nang lumabas ang report ng PEP.ph tungkol kay John Santos, hinanap siya ng staff ni Raffy kaya nabuo ang planong sumailalim sila ni John Regala sa DNA test para matuldukan na ang isyu.

JOHN SANTOS DEVASTATED

Ngayong gabi, muling nakausap ng Cabinet Files si Mrs. Del Mundo.

Ayon sa kanya, umiiyak at masamang-masama ang loob ni John Santos nang malaman nitong hindi si John Regala ang tunay na ama.

Nasaktan man si John Santos sa katotohanang hindi siya kadugo ng aktor, nagpasalamat pa rin siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang paghahanap sa kanyang totoong ama.

Continue reading below ↓

Naniwala si John Santos na ang aktor ang biological father niya dahil ito ang sinabi sa kanya ng nanay niya.

Ngayong gabi rin ay nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si John Santos sa pamamagitan ng direct messaging sa Facebook.

Tinanong namin kung may balak pa siyang hanapin ang tunay na ama.

Sagot niya, "Hindi na po, tatahimik na lang po ako. Tama na po yung kahihiyan na nangyari."

Hindi pa nagkakausap si John Santos at ang ina nito, pero wala na raw sa plano niyang alamin ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

JOHN REGALA WILLING TO ACCEPT JOHN SANTOS AS HIS SON

Ikinalungkot din ni John Regala ang resulta ng DNA test, pero positibo ang mensahe na binitawan niya sa Wanted Sa Radyo para sa binatang naniwalang siya ang tunay na ama.

Pahayag niya, "Iho, kung naguguluhan ka man sa ngayon, matatagpuan mo rin ang sagot balang-araw.

Continue reading below ↓

"Kung ako talaga ang ama mo, talagang ipagmamalaki kita, aakapin kita, lalo na malapit na ang kaarawan ko. Isang regalo ka para sa akin, kaya lang na-disappoint ako, na-frustrate ako hindi kita naging anak.

"Nakikisimpatiya ako sa 'yo at alam ko ang nararamdaman mo dahil ganyan din ang pakiramdam ko sa ngayon.

"Kilalanin mo na lang akong ama. Welcome ka sa akin."

Sabi pa ni John Regala, "Alam mo, flattered ako nung sinabi mong ako ang iyong ama, ipinagmamalaki mo ako. 'Yan ay nakatataba ng puso kaya very much welcome ka sa akin.

"Puwede mo akong ituring bilang ama mo. Puwede mo akong pagsabihan ng kahit ano. Puwede mo akong lapitan kung may problem ka, nandito lang ako."

Pumayag din ang aktor na ibigay ng Wanted Sa Radyo staff kay John Santos ang cellphone number niya dahil handa raw siyang tumayo bilang ama ng binata.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo inanunsiyo ang resulta ng DNA test na isinagawa sa aktor na si John Regala (kaliwa) at sa nagpakilalang anak niyang si John Santos (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results