Ai-Ai delas Alas, deadma sa pagtawag sa kanya ni BB Gandanghari ng "ipokrita, plastic, kaibigang putik"

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2020
Ai-Ai delas Alas (left) on BB Gandanghari (right): "Kung sa tingin niya ay kaipokritahan ang magmalasakit sa isang kaibigan, siguro nga ipokrita ako dahil nag-aksaya ako ng panahon na ipamulat sa kanya na mali ang ginagawa niya."
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Wala nang plano si Ai-Ai delas Alas na sagutin ang mga panghahamak ni BB Gandanghari, ang dating Rustom Padilla, sa kanyang pagkatao.

Para kay Ai-Ai, sapat na ang mensaheng ipinadala niya kay BB sa 53rd birthday nito noong Biyernes, September 4.

Sa vlog ni BB noong September 9, tinawag nitong "ipokrita," "plastic," at "kaibigang putik" si Ai-Ai.

Pero mali raw ang interpretasyon ni BB sa pakiusap ni Ai-Ai na mag-move on na ito kay Piolo Pascual dahil nananahimik na ito.

Wala raw sa bokabularyo ni Ai-Ai ang makisawsaw sa isyu.

Pero tingin talaga niya kay Rustom ay isang kaibigan, kaya raw nasaktan siya nang mabasa ang mga batikos kay BB dahil sa rebelasyon nito ng romantic encounter kay Piolo sa San Francisco, California, noong 2001.

Kahit bihira na ang komunikasyon ni Ai-Ai at ni Rustom, dahil pinalitan na ng huli ang pagkatao niya at mag-migrate na sa Amerika, kaibigan pa rin ang turing ni Ai-Ai sa kanya.

Continue reading below ↓

Kaya nagulat ang comedienne nang sabihan siya ni BB ng, "Shut up, hypocrite, at you know nothing about me."

Dating matalik na magkaibigan na may malalim na pinagsamahan sina Ai-Ai at Rustom.

Saksi kami sa kanilang madalas na pagkikita at paglabas-labas na inaabot ng madaling-araw para magkuwentuhan tungkol sa mga nangyayari sa buhay nila.

Alam ni Rustom ang halos lahat ng sikreto ni Ai-Ai dahil kaibigang mapagkakatiwalaan ang trato sa kanya ng Comedy Queen.

Tuloy, nasaktan si Ai-Ai nang mag-come out si Rustom sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition noong 2006, dahil pakiramdam niya'y pinagtaksilan siya ng kaibigan.

"Ang feeling ko, na-betray ako noon dahil mas pinili niyang mag-come out sa national television. Parang hindi niya ako pinagkatiwalaan bilang kaibigan.

"Samantalang lahat ng mga sikreto ko, alam niya. Kahit may mga tsismis noon na gay siya, never akong nagtanong sa kanya dahil nirerespeto ko siya.

"Yung message ko sa kanya na masaya na siya kaya huwag na niyang isama pa si Piolo, out of concern ko ‘yon sa kanya dahil, bilang kaibigan, nasaktan ako sa mga bashing sa kanya.

Continue reading below ↓

"Kung sa tingin niya ay kaipokritahan ang magmalasakit sa isang kaibigan, siguro nga ipokrita ako dahil nag-aksaya ako ng panahon na ipamulat sa kanya na mali ang ginagawa niya.

"Di ba, ganoon ang tunay na kaibigan, sasabihin sa 'yo ang katotohanan kahit masakit dahil mahal ka nga niya?" sabi ni Ai-Ai sa Cabinet Files.

Ito ay bago pa man siya tinawag ni BB ng "hypocrite, plastic, at kaibigang putik" sa pinakahuling vlog nito.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas (left) on BB Gandanghari (right): "Kung sa tingin niya ay kaipokritahan ang magmalasakit sa isang kaibigan, siguro nga ipokrita ako dahil nag-aksaya ako ng panahon na ipamulat sa kanya na mali ang ginagawa niya."
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results