Boots Anson Rodrigo pens heartfelt letter to bosom friend Marichu Maceda

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2020
Boots Anson Rodrigo (left) on neighbor, bosom buddy, classmate, and close colleague Marichu Maceda (right): "Haaaay, Manay, I needed to be a bit tongue-in-cheek and even cute and funny, lest my dam breaks and I break my record of crying only in the movies."
PHOTO/S: @starbird77 Instagram / Giselle Lazaro-Maceda Facebook

Nang pumanaw noong September 7, 2020 si Maria Azucena Vera Perez, isa sa mga lubhang nagdalamhati ay ang kababata at matalik na kaibigan nitong si Boots Anson Rodrigo.

Si Marichu—na mas kilala bilang Marichu o Manay Ichu—ay dating movie producer. Anak siya ng Sampaguita Pictures producer na si Jose Vera-Perez.

Si Manay Ichu ay 77 taong gulang.

Sa halos lahat ng importanteng institusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino—mula sa nagtataguyod ng pelikula, sa nangangalaga sa kapakanan ng mga nagtatrabo rito, sa nag-oorganisa sa iba't ibang grupo ng industriya, at iba pa—naroon si Manay Ichu.

Isa siya sa mga nagtatag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND), Film Academy of the Philippines (FAP), Experimental Cinema of the Philippines (ECP), Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA), at Metro Manila Film Festival (MMFF).

Si Boots—na mas kilala bilang Tita Boots—ay respetadong aktres at TV host. Siya ay 75.

Ilang taon din siyang nagsilbi bilang presidente ng MOWELFUND, at makailang-beses naging bahagi ng pamunuan ng MMFF.

Continue reading below ↓

Parehong hindi masusukat ang malasakit nina Manay Ichu at Tita Boots sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Higit sa lahat, alam naming mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Mula nang magkaroon ng karamdaman si Manay Ichu noong nakaraang taon, hindi nakakalimot si Tita Boots na ipagdasal ang paggaling ng kaibigan.

Humihiling din si Tita Boots ng dasal mula sa mga imbitadong guests sa showbiz event na dinadaluhan niya para sa paggaling ni Manay Ichu, na iginagalang na industry stalwart.

At dahil magkakilala ang dalawa buhat noong mga tatlong gulang pa lamang sila, hiniling ng Cabinet Files kung maaring gawan niya ng personal na pagpupugay ang yumaong matalik na kaibigan.

Hindi kami nagdalawang-salita, agad na nagpaunlak si Tita Boots.

Ilang gabi na rin daw siyang hindi nakakatulog nang maayos dahil apektadong-apektado siya sa pagkawala ni Manay Ichu.

Narito ang sulat na mula sa puso ni Tita Boots para sa kanyang namayapang kaibigang si Manay Ichu, na tunay na malaking kawalan sa Philippine movie industry.

Continue reading below ↓

Dear Manay in Heaven,

Masyado mo yatang dinibdib ang love affair mo with MOWELFUND.

Parang 'Till death do us part' ang effect. Kahit na -pack up ka na at nasa urn na ang cremains mo, hindi mo pa rin nilulubayan ang fundraising mo.

Pinagbilinan mo pa ang mga sympathizers mo na mag-donate na lang sa MOWELFUND imbes na magpadala ng bulaklak.

Ikaw lang, Manay, ang alam kong makakaisip at mag-aabalang gawin iyon sa halip na mag-Rest in Peace na lang.

Ang tindi! Hindi ka talaga mapigilan!

Hindi ka na nagkasya sa pagtulong kay former President Joseph "Erap" Estrada sa pagtatag ng MOWELFUND nung 1974 para ma-institutionalize and pagtulong sa mga "maliliit" na kasamahan natin sa industriya.

Kung tawagin ng iba ay "small fries" o mga " alipores" iyong mga hindi nakikita sa puting tabing at halos hindi mabasa ang pangalan sa credits.

Sila iyong unang dumarating sa set at huling umaalis kapag "strike set" na at larga na lahat sa mga magagarang kotse nila habang ang mga ito ay sa "service" jeep o bus nakikiangkas at halos ay humilata na lang sa pagod at puyat.

Continue reading below ↓

Pag-uwi nila ay idlip, ligo at kain na lang ang may panahon sila para humabol sa "6AM on the set" call.

Ito rin ang mga pinakamaliliit ang suweldo at madalas ay nahihirapan pang humingi ng vale, kung kailangang mag-advance.

Pag lunch or dinner break na, habang ang iba ay sinisilbihan, kailangan silang pumila nang mahaba.

By the time nasa unahan na sila ng linya, kailangan nang bumalik sa set.


Continue reading below ↓

Alam mo lahat ang sitwasyon nila, Manay, kasi lumaki ka sa Sampaguita na pinalakad ng mga ninuno at magulang mo.

Nagtatag ka rin ng sarili mong MVP productions kaya naging "first hand" ang mga karanasan mo bilang producer.

Artista niyo ang tatay ko, si Oscar Moreno, sa Sampaguita nung late '40s to '60s.

Bukod dun, magkapitbahay rin ang mga Anson at Vera sa Camalig, Albay kaya parang kamag-anak ang turing nila sa Papa Oscar.

Kaya rin three years old pa lang ako ay nag-attend ka na ng birthday party ko.


Continue reading below ↓

Sa pagdadalaga natin ay naging schoolmate pa rin tayo sa Assumption Convent.

Nu’n pa man ay tinitingala ka na ng marami dahil honor student ka, active at higit sa lahat, marami kang kilalang artista.

Nang lumaon, naging artista rin ako ng Sampaguita. At nang unang mag-produce ang MVP (ikaw pala ang original MVP at hindi si Manny V. Pangilinan) Films, ako iyong kinuha mong bidang babae.

Nagkakasama tayo sa maraming activities ng industriya ng pelikula hanggang hilingan tayo ng Founding Chairman ng MOWELFUND na maglingkod sa Board nito nung early '90s.

Hinirang kang Chairman ng Board pagkaraan ng ilang taon at ako naman ay napakiusapan na maging Presidente ni President Erap at mga kasamahan natin sa Board.

Parang tinukso naman tayo pareho ng tadhana nu’ng dumating ang maraming pagsubok sa MOWELFUND.

Nabawasan ang subsidy ng MOWELFUND mula sa Metro Manila Film Festival. Nadagdagan ang mga beneficiary agencies ng MMFF, habang dumarami naman ang mga member/beneficiaries natin sa MOWELFUND.

Continue reading below ↓

Sa tulong ng Board natin na binubuo ni Chairman Emeritus Estrada, Pangulong Rez Cortez, Vice President Julius Topacio, Direk Boy Vinarao, Jim Baltazar ng CMB, Gina Alajar, at ang yumaong Fr. Larry Faraon...


Sa pakikiisa ng management and staff natin at sa pagiging maunawain ng mga miyembro natin...

Continue reading below ↓

Nakapag-cost-cutting tayo, nakapag-fund raising, at mukhang makakaahon na ang MOWELFUND.

Kaya okay na rin, Manay, puwede ka nang mag-relax diyan. You deserve it.

Itong proceeds ng farewell fundraiser mo ay lilikumin namin para sa isang Manay Ichu Trust Fund for Special Projects, starting with a series of seminars on Film Production and Management na area of expertise mo.

Haaaay, Manay, I needed to be a bit tongue-in-cheek and even cute and funny, lest my dam breaks and I break my record of crying only in the movies.

We will truly miss you, Manay.

But we know that you will always be with us in spirit and will be our most formidable intercessor and taga-kulit at the Pearly Gates.

By the way, when you finally meet our Maker, please put in a good word for MOWELFUND, lobby for our cause with your foolproof "ensaymada diplomacy" and ask Him to drop Manna from Heaven at our next fundraiser.

Continue reading below ↓

Love from your "alipores" in Mowelfund,

Boots

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boots Anson Rodrigo (left) on neighbor, bosom buddy, classmate, and close colleague Marichu Maceda (right): "Haaaay, Manay, I needed to be a bit tongue-in-cheek and even cute and funny, lest my dam breaks and I break my record of crying only in the movies."
PHOTO/S: @starbird77 Instagram / Giselle Lazaro-Maceda Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results