Dating aktor na si Dale Villar, inilarawan ang "super scary, apocalyptic" wildfire sa Oregon

by Jojo Gabinete
Sep 11, 2020
Dale Villar, aminadong nababahala sa patuloy na pananalasa ng wildfire sa Oregon at ibang kalapit na lugar sa U.S.: "It’s so dark, and it's getting so smokey that it’s difficult to breathe."
PHOTO/S: Courtesy of Dale Villar

"Super scary, like apocalyptic," paglalarawan ng former actor na si Dale Villar tungkol sa wildfires na kasalukuyang nananalanta sa Portland, Oregon.

Si Dale ay napanood sa '90s films na pinagbidahan ng sikat na comedian/rapper/record producer na si Andrew E.

Kabilang dito ang Manchichiritchit, Pinagbiyak Na Bunga: Lookalayk, at Ang Miss Universe ng Buhay Ko.

Continue reading below ↓

Ipinanganak si Dale sa Portland, Oregon, at magpasahanggang ngayon ay hometown niya iyon.

Sa report ng CNN, sinabing kalahating milyon na ang bilang ng mga residente sa Oregon na lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa panganib na hatid ng wildfires.

Nagkuwento tungkol dito si Dale.

"The smoke is intense," nababahalang saad ni Dale sa panayam sa kanya ng Cabinet Files nitong Biyernes ng hapon, September 11 (Philippine time).

Nagpadala rin siya ng mga larawan ng kalamidad na pinagdaraanan nila ngayon doon.

Paglalarawan pa ni Dale: "We are in a downtown condo. Since our place is more concrete, I am not concerned of our place. However, it’s still scary.

"It’s so dark, and it's getting so smokey that it’s difficult to breathe."

Continue reading below ↓

"DANGEROUS" AIR QUALITY

Huling nakausap ng Cabinet Files si Dale noong June 1 dahil sa looting na nangyari sa high-end stores sa Oregon, habang nahaharap ang lahat sa banta ng coronavirus pandemic.

Ngayon ay heto naman ang panibagong kalbaryo sa lugar.

Bukod sa health protocol dala ng COVID-19, ang makapal na usok na epekto ng wildfires sa Oregon ay isa pang dahilan kaya mandatory na ang pagsuot ng mga face mask sa kanilang lugar.

Ani Dale: "More people are wearing masks... No choice.

"No one wants to go outside, the smoke is too thick...

"We just got a report that our air quality is dangerous."

Hindi raw siya lumalabas ng bahay pero nalalanghap pa rin niya ang masangsang na usok na masama sa kalusugan.

Aniya, "We are inside our home but the smell is so bad. You know what is worse? We can’t hide from it."

WILDFIRE CAUSED "SCARY" ORANGE SKY

Ayon pa kay Dale, pitong araw na ang nakalilipas nang magsimula ang wildfires sa Northern California pero hindi nila inaasahang makakarating ito sa Oregon.

Continue reading below ↓

Dire-diretsong lahad niya: "All of us thought the fires were mainly in California, but the fires were everywhere, then it started to come closer and closer.

"From where I am, California is six hours away.

"Then on Tuesday, it was so windy that the wind knocked down the power, parang typhoon.

"It was warm, like the Philippines, then the smoke came faster.

"The next day, we had friends send pictures of the orange sky. It’s super scary, like apocalyptic."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dale Villar, aminadong nababahala sa patuloy na pananalasa ng wildfire sa Oregon at ibang kalapit na lugar sa U.S.: "It’s so dark, and it's getting so smokey that it’s difficult to breathe."
PHOTO/S: Courtesy of Dale Villar
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results