Balitanghali at News TV Live, malapit nang magbalik sa ere

by Jojo Gabinete
Sep 12, 2020
Noong March 18, 2020 ang huling live telecast ng Balitanghali, ang daily afternoon newscast ng GMA-7. Pinangungunahan ito ng news anchors na sina Raffy Tima (kaliwa) at Connie Sison (kanan).
PHOTO/S: Screengrab from Balitanghali

Dalawang news program ng GMA News TV, ang Balitanghali at News TV Live, ang malapit nang magbalik sa ere.

Halos anim na buwan nang hindi napapanood ang mga nabanggit na news programs dahil sa coronavirus pandemic.

Huling napanood ang Balitanghali at News TV Live noong March 18, 2020, tatlong araw matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon.

Noong Miyerkules, September 9, kumalat ang balitang pansamantalang isasara ang mga programa ng GMA News TV—kabilang ang Balitanghali at GMA News TV Live— kaya nalungkot ang staff.

Ang Balitanghali ay daily afternoon newscast na ang anchors ay sina Connie Sison at Raffy Tima.

Ang News TV ay ang Flash Report ng mga breaking news na inuulat ng iba-ibang Kapuso newscasters.

[Nitong Biyernes, September 11, naiulat din ng PEP Troika na labing-isang GMA News TV shows ang nanganganib mawala sa ere. Ayon sa insider source ng PEP Troika, ang kondisyon bago maibalik sa ere ang programa ay kailangang mapatunayang kayang kumita nito.—Ed]

Continue reading below ↓

Short-lived lamang ang kalungkutan na naramdaman ng mga empleyado ng Balitanghali at GMA News TV Live dahil malapit nang magpatuloy ang kanilang mga programa.

Tinawagan na para bumalik sa trabaho ang mga empleyadong umuwi ng probinsya habang suspendido ang airing ng Balitanghali at GMA News TV Live.

Katuparan ito ng pangako ng GMA management na sila pa rin ang kukunin kapag nagbukas muli ang mga nasabing programa.

Nabuhayan ng pag-asa ang staff ng State of the Nation ni Jessica Soho dahil sa nalalapit na pagbabalik ng Balitanghali at News TV Live.

Kasama ang State of the Nation sa mga programa ng GMA News TV na nagpapahinga hangga’t may problema pa ang bansa sa COVID-19.

Malinaw sa staff ng news program ni Jessica sa GMA News TV na pansamantala lamang mawawala ang kanilang TV show.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong March 18, 2020 ang huling live telecast ng Balitanghali, ang daily afternoon newscast ng GMA-7. Pinangungunahan ito ng news anchors na sina Raffy Tima (kaliwa) at Connie Sison (kanan).
PHOTO/S: Screengrab from Balitanghali
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results