Bakit dumarami ang artistang nag-iingay sa social media ngayong pandemya?

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2020
Ayon kay Dr. Babes Manalo, isang psychiatrist, may kinalaman ang pandemya kaya mas napapadalas ang pag-iingay ng mga artista sa social media.
PHOTO/S: Unsplash

Bakit mas napapadalas ang paggamit ng artista sa social media para ilabas ang mga saloobin?

Bakit tila nagiging trend ang pagsisiwalat ng pribadong pangyayari sa mga buhay nila habang umaagos ang masagana na luha mula sa mga mata nila?

Marahil ito ang kultura ng social media, kung saan ang sukatan ng popularity ay sa bilang ng followers at bilang ng clicks at comments.

So ang tendency, ang mga posts ay nakakapukaw ng atensiyon.

Pero ngayong may COVID-19 pandemic, kasama sa posibleng rason ay ang pagnanasa sa nakasanayang atensiyon at mga palakpak na dating natatanggap mula sa kanilang mga tagahanga.

Ito ay ayon kay Dr. Babes Manalo, na 20 years nang psychiatrist sa St. Luke’s Medical Center, nang nakapanayam siya ng Cabinet Files tungkol sa kundisyon ng mga showbiz personalities na naging alipin ng social media.

“Ang nakikita ko naman sa mga post nila, they’re also affected. Everyone naman is affected by the pandemic,” ang sabi ni Manalo.

Continue reading below ↓

“May isa nga ako kilala na social media personality. Sabi niya, parang nami-miss niya ang palakpakan ng mga tao, na-miss niya ang presence ng mga tao. "

Nature daw kasi ng job nila ito. At ang kondisyon ngayon na nasa bahay lang sila, gaya rin ng mga empleyado na nasa bahay lang din, is enough para makaramdamn sila ng uncertainty at stress.

"Artista kasi sila so they yearn for attention. They really need it. Nasanay sila na ganoon. Nasanay sila na people look up to them and [there's] interaction.”

WALANG CAMERA, MAY PROBLEMA?

Manifestation ba na psychologically and mentally unstable ang mga artista na hindi makakilos kapag walang nakatutok na kamera sa kanila? O di kaya'y hindi kumpleto ang araw nila kung hindi sila mapapanood sa Facebook Live o sa kanilang mga YouTube Channel?

“Actually, at this point in time of the pandemic, everyone is affected mentally and psychologically.

“Nobody’s spared, even us doctors.

Continue reading below ↓

"Like ako, I went to my patient, non-COVID, pero yun pala, after two days, nagkaroon ng COVID kaya nag-quarantine ako for fourteen days. “

Ilang pag-aaral ang nagsabing tataas ang anxiety level ng mga tao during the quarantine period.

Sa pagpapatuloy ng doktora, "Based sa Harvard study last March or April, there would be an expected scenario of anxiety depression, post-traumatic disorder, and domestic violence because of COVID-19, and I think it’s happening right now.

“It’s natural to feel not okay at this point. Everyone is affected by the pandemic, but we have different jobs.

“Sabi nga ng media personality na iyon, nakaka-miss ang palakpakan.

"It’s a self-affirmation na they have already been there, they are sikat, so nakaka-miss yung ganoong audience."

PINALALALA BA NG SOCIAL MEDIA ANG PANDEMYA?

Supposedly, outlet ang social media para makaramdam ng relief. Pero mas madalas daw ngayon na nagiging sanhi ito ng anxiety.

Ani Dr. Manalo, "It’s the news that will create more anxiety than relief. If ang paggamit mo ng social media ay nakaka-cause sa iyo ng negativity, for example, may mga comment na negative, may mga artista na mabilis na ma-trigger sa comments sa Instagram.”

Continue reading below ↓

May mga programa raw na nagsusulong sa pangangalaga ng mental health, pero may mga taong sarado pa rin ang isip dahil sa maling paniniwala na may diperensiya sa pag-iisap ang mga kumukunsulta sa isang psychiatrist.

"That’s why we always say in public na kung ikaw ay nagpupunta sa isang salon para magpaganda, kailangan din na malinaw at maayos ang isip mo kasi there is no wealth without mental health.

"Kung kagandahan ka naman, pero ang isip mo ay hindi maayos, lahat iyan ay apektado.

"There’s a connection between the mind and the physical body.

"Ang importante nga, alagaan mo ang isip kasi, the challenge right now is the mental challenge.

"How you are going to bear all the problems that we have during this COVID time, like mawawalan ng trabaho, mawawalan ng posisyon, mawawalan ng kamag-anak o kaibigan na namatay sa COVID?"

Hindi ba't kapag nadapa ang isang tao ay nagkakasugat? Kapag may mabigat na problema, may epekto ito sa emosyon at pag-iisip.

Continue reading below ↓

Sa pagpapatuloy ni Dr. Manalo, "All these things can take its toll. Sabi ko nga, hinay-hinay lang, we always have to remind ourselves to be kind to ourselves.

"Sobrang dami ng negativity. We don’t need a lot of negativity at this point kasi kung hindi, malulunod tayo sa sobrang kapal ng mga news na nangyayari sa paligid natin, sa bansa natin.

"We have to control things that we can control, and those are the hand washing, kaya natin iyan, face shield at face mask, kaya natin iyan, and social distancing, kaya natin, so ayusin mo ang sarili mo, stay home."

HINDI KA NAG-IISA

Lahat ay affected ng COVID-19, TV personality man o hindi, kaya mas maigi kung magtulungan na lang kesa maghilaan pababa.

"Be grateful and be compassionate, iyan ang gusto ko na i-emphasize kasi for me, walang mayaman, walang pobre ngayon.

"Lahat tayo pantay-pantay, ang pinaka-worst hit nga yung mga mayayaman dahil bumagsak ang mga negosyo nila. Yung mga ipinundar na business nila, nawala.

Continue reading below ↓

"Sa ngayon, kapag may mga nangangailangan, wala kang reason na hindi sila tulungan kasi kawawa talaga."

Bilang patunay na maraming tao ang naapektuhan ng coronavirus pandemic dahil sa sobrang pag-iisip, ikinuwento ni Dr. Manalo na nadagdagan ang bilang ng kanyang mga pasyente.

Ipinaalaala rin niya na nag-umpisa noong September 6 ang Suicide Prevention Week at natapos ito noong September 12, 2020.

"Noong March and April, I only have a few patients ,but now, nag-triple na. Mas madami pa ang kailangan na pumunta para kumunsulta.

"Right now, it’s Suicide Prevention Week, so we always have to bear in mind to be compassionate with others who would need our help."

HARAPIN ANG PROBLEMA

At kung meron kang pinagdadaanan, harapin ito at huwag sarilinin. Kung may kilala ka na merong pinagdaraanan, bigyan siya ng suporta at pang-unawa.

Binigay na halimbawa ng doktora ang kaso ni Jiro Manio, na in denial at naniniwalang normal siya, kahit ang kanyang pamilya ay nababahala sa pagsasalita niya nang mag-isa.

Continue reading below ↓

Maraming beses sinubukang patingnan si Jiro sa psychiatrist, pero tumatanggi dahil wala raw siyang problema sa pag-iisip.

"Mahirap kapag may denial because that will not make us move. Hindi tayo aarangkada kapag may denial,” ang sabi ni Dr. Manalo.

"Denial is also one of the reasons kung bakit lumalala ang kundisyon ng pasyente.

"So, kapag may denial siya, kailangan ang family should be aware to bring the patient to the necessary doctor para siya mapagaling.

"Part na iyan ng defense mechanism niya, ng coping niya.

"Yung mga tao na nasa paligid niya na nagmamahal sa kanya, yun ang mga tao na kailangan na magpasok sa kanya sa isang treatment. Importante ang tulong ng pamilya.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Dr. Babes Manalo, isang psychiatrist, may kinalaman ang pandemya kaya mas napapadalas ang pag-iingay ng mga artista sa social media.
PHOTO/S: Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results