Marichu Vera Perez-Maceda, may kakaibang request sa kanyang cremation

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2020
Ngayong araw, September 13, 2020, hinatid sa huling hantungan ang cremains ni Marichu "Manay Ichu” Vera Perez-Maceda.

Ganap na 4:30 ngayong Linggo ng hapon nang ihatid sa huling hantungan ang cremated remains ni Mrs. Marichu "Manay Ichu" Vera Perez-Maceda sa Manila Memorial Park, Paranaque City.

Itinuturing na "end of an era" ang pagkawala ni Manay Ichu, na malaki ang naging kontribusyon sa Philippine movie industry at matindi ang pagmamalasakit sa maliliit na manggagawa.

Lumuha sina Barbara Perez, Gloria Romero, Eddie Gutierrez, Helen Gamboa, at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa eulogy para kay Manay Ichu na idinaos sa Sampaguita Events Place, bago dinala sa Manila Memorial Park ang cremains nito.

Nakangiting binalikan ni Susan Roces ang masasayang alaala niya tungkol sa friendship nila ni Manay Ichu, na nagsimula noong 1956, ang taon na naging artista ng Sampaguita Pictures ang movie queen.

Nagpahayag naman ng pagdadalamhati sina former President Joseph Estrada at Senate President Tito Sotto.

Mahirap makalimutan ang mga anekdota ni Lilibeth "Betchay" Vera Perez-Nakpil tungkol sa kanyang panganay na kapatid nang magpunta ito sa shooting ng Dyesebel sa isang isla sa Mindoro noong 1978.

Continue reading below ↓

Ikinuwento ni Betchay ang overnight visit ni Manay Ichu sa set ng pelikulang pinagbidahan ni Alma Moreno.

"Lo and behold, may bangka na may katig na dumarating. Parang may Nympha. We were trying to figure out who that was," ang salaysay ni Betchay, o Betchy, ang tawag sa kanya ni Manay Ichu.

"Lo and behold, it was Manay Ichu, in the beach, believe it or not, naka-green apple nightie gown siya.

"So sabi ko when she arrived, when she docked to the harbor, sa beach area, sabi ko, ‘Manay, ba’t ka nakaganyan samantalang kami mga naka-shorts?'

"Sabi ni Boyet [isa sa mga kasama ni Betchay sa shooting], 'Betchay is she for real?’

"Sabi ko, 'Believe it or not, I myself can’t believe kung ano ang outfit niya.'"

Bukod sa matingkad niyang outfit, pumukaw rin ng pansin ang tatlong—korek, tatlo— maletang dala ni Manay Ichu.

"Pagdating niya sa pampang, kasama niya ang yaya niya, bumababa, kasama ang tatlong maleta.

Continue reading below ↓

"Sabi niya, 'Betchy, nasaan na ang Cabana ko?’ Sabi ko, 'Manay, I reserved it already for you. Gaano ka ba katagal?'

"'Overnight lang kasi kailangan ko bumalik ng opisina.'

"'Manay bakit tatlo ang maleta mo?'

"'Siyempre, Betchy, isang maleta para sa catwalk clothes ko, yung isa naman for my nightwear, at yung isa, para sa sapatos at mga bags.'

"Iiling-iling na lang ako. She’s dressed to the hilt. Naka-Nik Nik [disco] shirt, tucked in. She’s beautiful. Talagang fully made up with matching sandals.

"And every time she would take a nap, pati yung sa bonbon chair niya, naka-pose siya. Kailangan pati yung kamay niya, yung one top of another at a certain angle.

"Sabi ko, 'Manay bakit mo kailangan… matutulog ka lang naman, you will just have to take a nap?'"

"'Betchy, mahirap na. Kapag may naligaw ditong bomba, at least, glamorous pa rin akong host.”

"That’s our Manay,” ang lahad ni Betchay tungkol sa pagiging postura ni Manay Ichu.

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin niya ang pagkahilig ng kapatid sa panonood ng mga Koreanovela sa Ipad nito. In fact, may insidenteng nangyari bago i-cremate ang labi ni Manay Ichu sa Arlington Memorial Chapels and Crematory noong September 7.

Tinanong daw sila ng representative ng Arlington kung alam nilang may iPad at iPhone na kasama sa bangkay ni Manay Ichu.

"Hindi raw puwede dahil may battery at puwedeng pumutok yung battery [sa cremation].

"Guess what, ito pala ang isa sa mga habilin ni Manay kay Mykka [trusted personal assistant ni Manay Ichu], na isama yung mga iyon, yung Ipad niya at iPhone niya, sa pag-cremate sa kanya.

"Iba talaga si Manay. Ewan ko lang kung ano ang papanoorin niya kung saan man siya naroroon. Iyan si Manay!”

Ang tribute songs kay Manay Ichu ng limang anak nila ni former Senator Ernesto Maceda (Manny, Ernest, Erwin, Edmond, at Edward), na pawang magaganda ang boses, ang highlight ng eulogy para sa namayapang movie industry stalwart.

Continue reading below ↓

Marami ang napaluha nang awitin ng Maceda Brothers para sa kanilang ina ang "Hindi Kita Malilimutan" at "Saan Ka Man Naroroon."

Si Manay Ichu ang itinuturing na matriarch ng Vera Perez clan at dahil sa kanyang pagpanaw, ang kanyang kapatid na si Manay Gina De Venecia ang hinirang ngayong bagong matriarch ng pamilya.

Nang maganap ang inurnment sa labi ni Manay Ichu sa Manila Memorial Park, manghang-mangha si Manay Gina dahil hindi umaalis ang dumapong paru-paro sa kanyang kamay matapos pakawalan ang mga ito bilang simbolo ng send off sa kanilang panganay na kapatid.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, September 13, 2020, hinatid sa huling hantungan ang cremains ni Marichu "Manay Ichu” Vera Perez-Maceda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results