Against the law ba ang "marijuana farm" post ni Alice Dixson?

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2020
Binura ni Alice Dixson ang "marijuana farm" post niya matapos itong umani ng negatibong reaksiyon mula sa mga netizens. May nilabag bang batas ang aktres?
PHOTO/S: @alicedixson on Instagram

Burado na ang September 8, 2020 Instagram post ni Alice Dixson tungkol sa pagbisita niya at ng kanyang pinsan na si Dr. Camilla Griggers sa isang marijuana farm.

Negatibo kasi ang reaksiyon ng netizens.

Nagsabi si Alice na maglalabas siya ng vlog tungkol sa kanyang unique experience, pero mabibigo ang fans na naghihintay dahil tila nagbago na ng isip ang aktres.

Pinaratangan ang aktres na nagpapaka-kontrobersiyal para dumami ang subscribers at ads sa YouTube channel niya.

Samu’t sari ang mga komento at opinyon sa deleted Instagram post ni Alice kaya minabuti ng Cabinet Files na hingin ang opinyon ni Derrick Carreon, spokesperson ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Derrick Carreon PDEA

Continue reading below ↓

Si Carreon ay may malawak na karanasan bilang tauhan ng PDEA at nasa posisyon para sagutin kung may dapat panagutan si Alice sa batas.

“Ilang ulit ko na rin nasabi ito sa ibang media na nakausap ko. I’ve never seen the post, so it’s quite difficult to react. Now that I’ve seen it, still inconclusive po, e,” panimula ni Carreon sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files, nitong September 13.

"Did she identify the exact location? Did she state her intention of why she posted it? Then saka natin siguro siya imbitahan. I am not a lawyer, but I will have to consult our legal."

Binanggit ni Carreon ang batas na may kinalaman sa pagmi-maintain ng marijuana den.

Aniya, "In the law...meron po yung Section VI (Maintenance of a Den, Dive or Resort) of Republic Act 9165 (An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), repealing Republic Act No.6425, otherwise known as the Dangerous Drugs Act of 1972, as amended, providing funds therefore, and for other purposes...employees and visitors of a drug den, dive or resort.

Continue reading below ↓

"I didn’t see that part of that provision—[yung] visitor of a marijuana plantation."

Marami raw kasing dapat isaalang-alang bago sabihing may nilabag na batas.

"It’s a different story kapag inamin niya na siya po ay nagtanim kahit sa paso lang," pagpapatuloy ng spokesperson ng PDEA.

"Then we have probably a prima facie case, an admission on her part na nagtanim po siya.

“But, in this case the location is overseas. At kung siya ay marijuana advocate, that’s another thing."

Hindi sinabi ni Alice sa post ang exact location ng cannabis farm na binisita niya. Pero ayon sa website na thrillist.com, legal ang marijuana sa 26 na bansa, kabilang ang United States, Canada, Australia, Italy, Spain, Mexico, Argentina, Cambodia, at iba pa.

Ipapatawag ba ng PDEA si Alice?

"Kailangan po siguro. I don’t know kung balak siyang imbitahan ng office. We don’t know yet, vague po yung details.

"Unang-una, based on the photo, a picture paints a thousand words. Unang-una, how will you know if it’s really marijuana, or if she was just into thinking it’s marijuana, pero it’s just a plant that looks similarly like marijuana, lalo pa po overseas siya.

Continue reading below ↓

"It would have been different if she declared na she’s in Tinglayan [in Kalinga]...or Mankayan, Benguet, kasi taga-roon ako.

"I mean, if you would have identified any spot in the Philippines that is known to be a location of marijuana plantation sites, then maybe we have cause to invite her."

Plano ni Carreon na isangguni sa legal department ng PDEA ang kontrobersiya, kung saan sinabi ng netizens na iresponsable ang Instagram post ni Alice.

"Isasangguni ko sa legal," ani Carreon. "Right now we can’t go on record with any tangible or official reaction kasi wala nga po sa batas yung 'visitor of a marijuana plantation.'”

BE CAREFUL AND CONSCIOUS ABOUT YOUR POSTS

Ni-remind ni Carreon na ilegal ang marijuana sa bansa, kahit pa for medicinal purposes.

"Under Philippine law, kahit po may advocate ng medical marijuana. It doesn’t pertain to the plant or any part of the plant [or] it's medical preparations either injectable or pill or whatever. Hindi po yung halaman. Sa Philippine law, illegal pa rin ang marijuana.

Continue reading below ↓

"But if she’s a pro-marijuana advocate, she’ll find herself in trouble talaga especially for anti-drug advocates.”

Ipinapaalala ni Carreon ang paulit-ulit na panawagan ng PDEA sa mga celebrity na maging maingat sa kilos, salita, at social-media posts dahil iniidolo sila ng tao.

"Outside of her post, yung patungkol sa marijuana, nananawagan po tayo noon, ever since, na dapat po ay maging huwaran ang mga celebrity kasi tinitingala po sila ng mga tao.

"So, mag-ingat po sila sa kanilang mga pinagsasasabi at pinagpopo-post.

"Definitely, they‘re likely to take flak or they’re likely to encounter criticisms kapag ginawa po nila iyon.”

Posibleng ang choice of topic ni Alice sa kanyang vlog, gaya ng sapantaha ng ilang netizens, ay para maka-generate lamang ng maraming views, hindi naman para mag-advocate nito.

Pero sa Pilipinas, ang marijuana ay sensitibong legal issue.

"Mali talaga in the context of Philippine law. Illegal pa rin ang marijuana. So, yun pala ang intensyon niya?

"Although hindi pa po sapat siguro para makasuhan siya directly, pero definitely, under the Philippine culture, malabo pong tanggapin ng tao basta-basta yung ginawa niya.

Continue reading below ↓

"Malamang, Sir, iyon ang intensiyon niya, to draw attention, e, unfortunately it drew negative attention.

"Siguro lesson learned ito on her part, and for others who might want to follow suit, regardless po whether kung artista sila,” ang sabi ni Carreon, na kinumpirmang dinakip ng PDEA ang mga kababayan nating nagyayabang sa kanilang social-media posts ng paggamit nila ng ipinagbabawal na gamot.

“Yung mga nagpo-post online, while in the act of holding o gumagamit ng shabu, dahil gustong magpasikat o humihithit ng marijuana then vinideohan nila—yun, ipinararating sa Facebook page ni Director General Wilkins Villanueva [PDEA chief]. Isinusumbong talaga sila, at inaksiyunan po namin.

"Mga gustong sumikat, ayan, sumikat in the wrong way."

Sa huli, sinabi niyang dapat maging conscious sa posibleng epekto sa publiko ng social-media posts.

Aniya, "Outside of whatever post you made na medyo subject for verification pa— panawagan iyan sa lahat ng public figures na mag-ingat, kasi nga tinitingala ng mga tao, lalo na ng mga kabataan, 'tapos makikita kayo na ganyan.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binura ni Alice Dixson ang "marijuana farm" post niya matapos itong umani ng negatibong reaksiyon mula sa mga netizens. May nilabag bang batas ang aktres?
PHOTO/S: @alicedixson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results