A tale of two Josephs: one an advocate, the other a murderer

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2020
American actor Joseph Gordon-Levitt (left) and U.S. marine Joseph Pemberton (right) are on the news this week for very different reasons.
PHOTO/S: Instagram / Washington Post

A tale of two Josephs.

Ang American actor na si Joseph Gordon-Levitt at si U.S. marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang dalawang Joseph na pumukaw sa atensiyon at interes ng mga Pilipino nitong nakaraang linggo.

Si Joseph Gordon-Levitt, 39, ay nagsimula bilang child actor. Kabilang sa mga ginawa niyang projects bilang child actor ay ang pelikulang Angels In The Outfield (1994) at ang hit comedy series na 3rd Rock From The Sun (1996-2001).

Kabilang naman sa memorable projects na nilabasan niya noong teenager at nitong adult na siya ay ang 10 Things I Hate About You (1999), 500 Days of Summer (2009), G.I. Joe: The Rise of the Commander (2009), Inception (2010), Looper (2012), Sin City: A Dame To Kill For (2014), Snowden (2016), at Project Power (2020).

Nabuo na ni Levitt ang photo poem project tungkol sa Pilipinas na collaboration nila ng HitRECord. Malaki ang maitutulong nito sa tourism industry ng ating bansa na badly-hit ng coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

May pamagat na The Beauty of the Philippines ang short film (1 minute and 31 seconds) ni Levitt at ng HitRECord.

Nagkaroon ito ng katuparan dahil sa pakikipagtulungan ng mga Pilipino na tumugon sa panawagan ng American actor na magpadala ng mga larawang magagamit nila para sa kanilang proyekto.

Nakatataba ng puso at maipagmamalaki natin ang pagiging Pilipino dahil sa mga salitang inilapat sa The Beauty of the Philippines:

“The most beautiful thing about the Philippines is its people. They find beauty in all things. They will make you feel like you are family, like you are home.

“Wherever you go, you will find yourself surrounded by scenes of such spectacle, from the plants, to the trees, to the water, to the setting sun.

“Every spot is special but it is the people you will remember most. You will discover how a simple smile from a stranger can change your day. In their eyes, you will find hope and love. And you will be forever changed.”

Continue reading below ↓

FOREVER CHANGED

“Forever changed” ang buhay ni Pemberton dahil nakulong siya ng limang taon sa Camp Aguinaldo nang paslangin niya ang Pinay trans woman na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong October 11, 2014.

Nagdilim ang paningin ni Pemberton nang matuklasan nitong kapwa lalake ang inakala niyang babae na magbibigay sa kanya ng panandaliang-aliw.

Hindi lamang ang araw ni Pemberton ang nag-iba ("You will discover how a simple smile from a stranger can change your day") nang gabing makilala niya si Laude, na isang complete stranger, dahil ang kanyang buong buhay at kapalaran ang nagbago.

Hinding-hindi na makalilimutan ni Pemberton si President Rodrigo Duterte ("Every spot is special but it is the people you will remember most") dahil sa absolute pardon na ipinagkaloob sa kanya.

Ito ay sa kabila ng mga matinding batikos at galit mula sa mga kababayan nating nakikisimpatiya kay Laude at sa pamilyang naulila nito.

Continue reading below ↓

Kahapon, September 13, lumaya na si Pemberton mula sa limang taon na pagkakakulong sa Camp Aguinaldo.

Nakabalik na rin siya sa kanyang bansa, lulan ng isang U.S. military cargo plane.

Headline ngayon ng mga news organization sa Amerika (Washington Post, CNN, USA Today, New York Times) ang paglaya ni Pemberton at ang absolute pardon na iginawad ni Duterte sa kanya.


Continue reading below ↓


"Extremely grateful" si Pemberton sa Pangulo ng Pilipinas. Nagparating din siya ng pakikisimpatiya sa pamilya ni Laude dahil sa krimeng kanyang ginawa.

Hindi na makababalik sa Pilipinas si Pemberton dahil ipinagbawal at ipinag-utos ito ni Philippine immigration commissioner Jaime Morente, sa bisa ng kanyang deportation order.

Nineteen years old si Pemberton nang patayin niya si Laude.

Continue reading below ↓

Limang taon siyang nakulong sa Camp Aguinaldo. Kung hindi dahil sa presidential pardon ni Duterte, matagal pa ang ipagdurusa niya sa bilangguan.

Kahit hindi sabihin ni Pemberton, may blacklist order man o wala ang Philippine Immigration, hinding-hindi na talaga siya tutuntong sa Pilipinas dahil sa mga hindi niya makalilimutang karanasang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay at kinabukasan sa isang iglap.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American actor Joseph Gordon-Levitt (left) and U.S. marine Joseph Pemberton (right) are on the news this week for very different reasons.
PHOTO/S: Instagram / Washington Post
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results