McCoy de Leon, kinumpirmang iisang proyekto lang ang Burado at Walang Hanggang Paalam

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2020
Ayon kay McCoy de Leon (kaliwa), hindi nabago ang pangalan ng kanyang character sa Burado nang palitan ang title nito sa Walang Hanggang Paalam.
PHOTO/S: Instagram / ABS-CBN

Mula sa original title na Burado ay ginawa nang Walang Hanggang Paalam ang title ng bagong TV series ng Kapamilya Channel.

Maliban sa title ay pinalitan na rin ang ilan sa main cast mula sa Dreamscape Entertainment.

Noong August 10, 2020 ay ibinalita ng ABS-CBN News ang cancellation ng Burado dahil sa coronavirus pandemic.

May planong kunan ang mga eksena ng Burado sa Thailand, Cambodia, at India na imposible nang mangyari dahil sa COVID-19.

Hindi na rin puwedeg lumipad sa Pilipinas ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet, na isa sa main cast ng Burado, kasama sina Zanjoe Marudo, Paulo Avelino, Nadine Lustre, at Julia Montes.


Continue reading below ↓

(From left) Denkhun Ngamnet, Paulo Avelino, Nadine Lustre, Julia Montes, and Zanjoe Marudo

Sa September 21 ang pilot telecast sa Kapamilya Channel ng Walang Hanggang Paalam na pinagbibidahan nina Zanjoe, Paulo, Arci Muñoz, at Angelica Panganiban.


May mga nagsasabing hindi nakansela ang Burado dahil pinalitan lamang ang pamagat nito at ang dalawang lead actress—sina Nadine at Julia.

Continue reading below ↓

Diumano, tumanggi munang magtrabaho ang dalawang aktres habang matindi pa ang banta ng coronavirus pandemic.

Kabilang din si Jake Cuenca sa mga artista ng Walang Hanggang Paalam. May mga haka-hakang siya ang ipinalit sa karakter na gagampanan dapat ni Ngamnet.

Kasama sa original cast ng Burado ang aktor na si McCoy de Leon.

Nang ipakilala si McCoy bilang bagong contract star ng Viva Artists Agency noong August 27, 2020, ikinuwento niya na ang taping para sa Walang Hanggang Paalam, na dating Burado ang pamagat, ang drama series ang kanyang pinagkakaabalahan bago siya lumipat sa talent management agency ng Viva Entertainment.

Pinatotohanan ni McCoy na iisa lang ang Burado at Walang Hanggang Paalam dahil hindi pinalitan ang pangalan ng karakter niya.

Bernie ang pangalan ni McCoy sa Walang Hanggang Paalam\, at nakababatang kapatid ni Paulo ang kanyang role.

“May itinatago si Bernie na selos at bubog sa pamilya niya dahil hindi siya paborito ng ama nila. Malalaman sa mga susunod na kabanata ng Walang Hanggang Paalam kung paano makakaapekto sa istorya nito ang karakter ni Bernie,” pagsasalarawan ni McCoy tungkol sa kahalagahan ng karakter niya sa kuwento ng upcoming primetime drama series ng Kapamilya Channel.

Continue reading below ↓

Nag-umpisa ang taping ni McCoy para sa mga eksena niya sa Walang Hanggang Paalam noong June.

Ayon sa kanya, mahigpit na ipinatupad sa set ang safety protocols bilang proteksiyon ng lahat laban sa COVID-19.

“Marami po ang safety protocols. Siyempre, una na ang rapid at swab tests before and after taping. We always wear mask off cam.

"During rehearsals, we practice distancing even sa staff and crew. Lock in ang shoot namin na inabot din ng one to two weeks."

Ang sunud-sunod na mga eksena niyang kinunan ang hindi makakalimutan ni McCoy dahil mahalaga sa lahat ang bawat minuto ng kanilang taping para sa Walang Hanggang Paalam.

"Memorable experience for me was having tons of scenes as in sunod-sunod na mabigat pa sa 6 to 8 taping hours.

“Yung tipong nagpapalit na lang ako ng damit sa scene area but it was a good thing for me. At least, hindi ako relax lang.

Continue reading below ↓

"Lahat ng mga tao dun, ginagawa yung mga trabaho nila kaya kailangan na magtulungan."

Sa cast ng Walang Hanggang Paalam, naging malapit si McCoy sa veteran actor na si Ronnie Lazaro at kay JC Santos.

"Si Tito Ronnie Lazaro kasi naka-work ko na siya sa The Good Son. Si Kuya JC naman, siya ang roommate ko sa lock in shoot namin," ani McCoy.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay McCoy de Leon (kaliwa), hindi nabago ang pangalan ng kanyang character sa Burado nang palitan ang title nito sa Walang Hanggang Paalam.
PHOTO/S: Instagram / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results