Willie Revillame, napansing mas gusto ng viewers ng pera kesa entertainment

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2020
Realistic si Willie Revillame tungkol sa Tutok To Win: "Ang gusto ng tao yung meron kang ibibigay sa kanila... Kapag kumakanta ako, 'Tama na ‘yan Willie, tumawag ka na.'"
PHOTO/S: Tutok To Win

Napagtanto ni Willie Revillame na ayaw na ng mga tao sa basta entertainment.

Kaugnay ito ng hamon ni Willie na gagawin niyang PHP30,000 ang perang ipamimigay sa mga mapapalad na mapipili niyang tawagan sa telepono sa Tutok To Win.

Ang Tutok To Win ang blocktimer show sa GMA-7 na pansamantalang humalili sa daily variety show na Wowowin.

Kailangang mag-log in ng viewer sa social-media platforms ng show, at saka pipili si Willie ng tatawagang random viewer na bibigyan ng instant cash prize.

Mula sa 35,000 followers, pumalo sa 75,000 ang bilang ng mga nanonood sa Facebook Live ng Tutok To Win.

Gayong wala pang limang minuto nang ianunsiyo ni Willie na daragdagan nito ang ipinamumudmod na cash prizes.

Ani Willie, "Napansin ko, ayaw na ng tao ng entertainment. Ang gusto ng tao yung meron kang ibibigay sa kanila.

"Ang gusto ng tao, sa pangangailangan ngayon, ayaw nila ng mga kanta-kantahan."

Continue reading below ↓

Tukoy pa niya sa feedback sa production numbers niya sa show, "Kapag kumakanta ako, 'Tama na ‘yan Willie, tumawag ka na.'"

BIGGER PRIZES

Dahil sa overwhelming response ng publiko sa hamon niya, muling hinamon ni Willie ang mga taong mamimigay siya ng bagong sasakyan kapag umabot sa sampung milyon ang subscribers ng Youtube Channel ng Tutok To Win.

House-and-lot naman daw ang papremyo kung magiging dalawampung milyon ang followers ng Facebook page ng kanyang widely watched program.

"Magbibigay lang tayo, lubusin na ang kasiyahan nila. Ibigay natin kung ano ang gusto nila," ani Willie.

Tila tanggap na ni Willie ang katotohanang marami ang nanonood sa kanyang programa dahil sa perang ipinamimigay niya.

Hindi kailang marami ang nangangailangan ng tulong pampinansiyal, lalo na't marami ang nawalan ng trabaho at dumaranas ng kahirapan dala ng pandemya.

OFW FANS

Inanyayahan na rin ni Willie ang mga OFWs na lumahok sa Tutok To Win.

Continue reading below ↓

Naging inspirasyon niya si Ian Delfin Baring, ang London-based Filipino na nagpadala ng mensahe sa Facebook page ng Tutok To Win at hindi sinasadyang napili ng kanyang assistant na dancer.

Kitchen employee si Baring sa isang hotel sa London, pero anim na buwan nang walang trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Namangha si Willie kay Baring dahil sa regular na panonood nito sa kanyang programa, kaya nangako ang host na padadalhan ng prutas at P25,000 ang ina ng OFW na naninirahan sa Malibay, Pasay City.

Ang accidental selection kay Baring ang nag-udyok kay Willie para anyayahan ang lahat ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo na lumahok sa Tutok To Win at magkaroon ng tsansang manalo ng mga perang ipinamimigay niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Realistic si Willie Revillame tungkol sa Tutok To Win: "Ang gusto ng tao yung meron kang ibibigay sa kanila... Kapag kumakanta ako, 'Tama na ‘yan Willie, tumawag ka na.'"
PHOTO/S: Tutok To Win
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results