Zeus Collins, nag-butt selfie nang live sa It's Showtime

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2020
Bilang "fun-ishment" sa "Mas Testing" segment ng It's Showtime, pumayag mag-butt selfie si Zeus Collins on live TV para i-post sa Instagram.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime

Habang tumatagal, nagiging mapangahas ang mga parusa o “fun-ishment” na iginagawad ni Vice Ganda at ng mga hosts ng programa sa mga celebrity contestants sa "Mas Testing" segment ng It’s Showtime.

Ang It's Showtime ay ang daily noontime show ng ABS-CBN na napapanood na lamang ngayon sa cable at online platforms ng Kapamilya network.

Ang kunan ng litrato ang puwet at i-post sa Instagram ang "fun-ishment" na ipinataw ni Vice kay Zeus Collins sa episode ng "Mas Testing" ngayong Lunes, September 14.

Ito ay pagkatapos magkamali ng sagot si Zeus sa tanong kung sino kina Wacky Kiray at Negi ang may malaking tattoo sa pusod.

Sabi ni Vice, “Eto ang iyong huling fun-ishment, Zeus, pumunta sa CR, piktyuran ang puwet at i-post sa IG."

“Totoo ba ‘yan?" ang hindi makapaniwalang reaksiyon ni Zeus.

Pero ginawa pa rin ng dancer-actor ang "fun-ishment" dahil hindi niya gusto ang isang choice—ang gupitan ng Mohawk style ang kanyang buhok.

Continue reading below ↓

Lumabas ng studio si Zeus at pumasok sa isang kuwarto para kunan ng litrato ang puwet niya.

Pero nakikita siya nina Vice, Vhong Navarro, Negi, Kiray, at Karylle sa TV monitor dahil nakasunod sa kanya ang isang cameraman.

Sigaw ni Vice, “Si Karylle, nasa harapan ng monitor!”

Sundot na reaksyon ni Vhong, “Kitang-kita ni Karylle, kita ulo ng bata. Baliw itong si Zeus, o.”

Sabi pa ni Vice, “Na-violate si Karylle, nakaharap siya sa monitor, tumalikod siya talaga."

Matapos gawin ang "fun-ishment," bumalik si Zeus sa studio.

On national television, ipinakita niya ang actual posting ng litrato sa Instagram na ayon kay Vice ay pamparami ng followers.

Totoong-totoo ito dahil, at presstime, meron na itong almost 52,000 likes at 4,5000 comments.

Continue reading below ↓

May mga naaliw sa parusa na ipinataw kay Zeus na game na game na ginawa nito.

Pero may mga nagtatanong din kung pasado ba sa panlasa ng MTRCB at ng mga moralista ang napanood sa telebisyon?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang "fun-ishment" sa "Mas Testing" segment ng It's Showtime, pumayag mag-butt selfie si Zeus Collins on live TV para i-post sa Instagram.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results