Nawawalang anak ng "Bawal Judgmental" choice, namataan sa Pampanga

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2020
Isang taon at dalawang buwan nang nawawala ang anak ni Muriel Morena (kaliwa) na si Earl John (kanan). Ngunit pagkatapos mapanood si Muriel sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga noong September 12, ilang viewers ang nagpadala ng larawan ni Earl John na namataan sa Angeles City, Pampanga.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Ang happy reunion ng mag-inang Muriel at Earl John Morena ang aabangan ng viewers ng Eat Bulaga sa mga susunod na araw.

Tungkol sa mga inang matagal nang naghahanap sa kanilang mga nawawalang anak ang topic sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga noong Sabado, September 12, 2020.

Si Lani Misalucha ang celebrity judge.

Isa naman sa choices si Muriel Morena ng Rosario, Cavite.


Continue reading below ↓

Isang taon at dalawang buwan nang nawawala ang anak ni Muriel na si Earl John na may special needs.


Mabigat sa dibdib ang episode ng "Bawal Judgmental" noong Sabado kaya naging emosyonal ang mga host na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Vic Sotto, at maging si Lani.


Continue reading below ↓

Nanawagan si Muriel na tulungan itong mahanap ang anak niyang nawala habang nagtitinda siya ng banana cue sa EPZA, Cavite.

"Hyper" kaya madalas nagwawala at inirereklamo sa barangay ang description ni Muriel kay Earl John, na hindi normal ang pag-iisip.

Hindi nabigo si Muriel sa kanyang panawagan dahil sa mga concerned citizen na mabilis tumugon sa Facebook page ng Eat Bulaga.

Sinabi ng mga ito na nakita nilang palaboy-laboy si Earl John sa Angeles City, Pampanga.

Nag-post sila ng larawan ni Earl John.

Kinumpirma naman ni Muriel na ito nga ang kanyang anak na mahigit isang taon nang nawawala.

Kaya ang pagkikita nila ang tinututukan ngayon ng tagapanood ng Eat Bulaga.

Umaasa rin ang Eat Bulaga viewers na mahahanap din ng anim pang inang choices ng "Bawal Judgmental" ang mga anak na biglang naglaho na parang bula, sa tulong ng Kapuso noontime program.

Incidentally, marami ang nagtataka dahil nitong mga nagdaang araw, hindi kumpleto ang Dabarkads nina Paolo, Wally Bayola, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, at Pia Guanio sa Eat Bulaga.

Continue reading below ↓

Ang coronavirus pandemic at hindi cost-cutting ang dahilan kaya tatlo na lamang ang napapanood na mga host ng Eat Bulaga sa Cainta studio nito.

Limitado ang bilang ng mga taong pumapasok sa studio bilang pag-iingat laban sa banta ng COVID-19 kaya may mga “rest week” ang Dabarkads.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang taon at dalawang buwan nang nawawala ang anak ni Muriel Morena (kaliwa) na si Earl John (kanan). Ngunit pagkatapos mapanood si Muriel sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga noong September 12, ilang viewers ang nagpadala ng larawan ni Earl John na namataan sa Angeles City, Pampanga.
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results