Kilalanin ang "Songbird" noong '70s na si Eva Vivar...

by Jojo Gabinete
2 days ago
Nakilala noong '70s si Eva Vivar dahil sa kanyang magandang tinig. Pero iniwan niya ang showbiz nang magpakasal siya sa edad lamang na 19. Ngayon ay aktibo si Eva sa paggawa ng TV commercials at magbabalik-telebisyon siya sa musical sitcom ng Net 25 na Kesaya Saya.

Hindi lamang sina Vina Morales at Robin Padilla ang reunited sa Kesaya Saya, ang musical sitcom ng Net25 na mapapanood simula sa September 27, 2020.

Ang Kesaya Saya rin ang reunion project ng '70s stars na sina Darius Razon at Eva Vivar.


Bago pa naging Asia’s Songbird si Regine Velasquez, si Eva ang binansagang "Songbird" ng local music industry dahil sa kanyang soulful singing.

Continue reading below ↓

Itinuturing si Eva na isa sa best-selling singers noong dekada ‘70s dahil certified hits ang mga cover song niya ng "Nobody’s Child," "Mr. Love," Sad Movies," at marami pang iba.


Mapalad si Eva dahil naging bahagi siya ng golden age ng local recording, kasama sina Nora Aunor, Darius Razon, at ibang teen idols noong ‘70s.

Continue reading below ↓

Napanood din siya sa mga pelikulang Your Love (1970) at Fiesta Extravaganza (1971).

Tinalikuran ni Eva ang showbiz nang magpakasal siya sa edad na 19. Pero naging aktibo ang dating singer-actress sa paggawa ng mga TV commercials.

Si Eva ang gumanap na lola ni Coco Martin sa TV ad ng isang corned beef.


Continue reading below ↓

Naging daan ito para magkaroon siya ng special participation sa Ang Probinsyano at, eventually, sa Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

Nakasama rin niya si Susan Roces sa isang commercial para sa isang generic brand ng gamot.


Dahil musical sitcom ang Kesaya Saya, inaasahang muling maririnig ng publiko ang madamdamin at mahusay na pag-awit ni Eva na nagpasikat sa kanya noong dekada ’70.

Continue reading below ↓

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakilala noong '70s si Eva Vivar dahil sa kanyang magandang tinig. Pero iniwan niya ang showbiz nang magpakasal siya sa edad lamang na 19. Ngayon ay aktibo si Eva sa paggawa ng TV commercials at magbabalik-telebisyon siya sa musical sitcom ng Net 25 na Kesaya Saya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results