Maynila ng GMA-7, siguradong magbabalik; Chi Atienza-Valdepenas, hindi nabakante

by Jojo Gabinete
6 days ago
Tiniyak ni Chi Atienza-Valdepenas (kaliwa) na magbabalik ang Maynila, ang Saturday morning drama anthology nila ng amang si Congressman Lito Atienza sa GMA-7, kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon.

Pansamantalang nagpaalam ang Maynila, ang Saturday morning drama anthology ng GMA-7 at ng Maynilad Platinum Productions, dahil sa coronavirus pandemic.

Si House Representative at former Manila mayor Lito Atienza ang host ng Maynila.

Nag-umpisa ang programa noong November 23, 1998.

Noong March 2020, naging permanent co-host ni Congressman Atienza ang kanyang anak na si Chi Atienza-Valdepenas.

Napanood ang huling episode ng Maynila noong April 2020 matapos magdeklara ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon noong March 15, 2020.

Sinubukan ng Maynila na bumalik noong June 2020.

Nakapag-taping sila ng walong episodes na pinagbidahan nina Ruru Madrid, Sanya Lopez, Kate Valdez, Kristoffer Martin, at iba pang GMA-7 stars.

Naipalabas ang mga episode ng Maynila mula July hanggang August 8, 2020.

Pero nagdesisyon sina Congressman Atienza at Chi na ipahinga muna ang kanilang programa habang hindi pa normal ang sitwasyon dahil sa mga problemang hatid ng COVID-19 pandemic.

Isang Koreanovela ang pansamantalang ipinalit ng GMA Network sa timeslot ng Maynila, pero tiniyak ni Chi na magbabalik sa telebisyon ang show nila ng kanyang ama.

Continue reading below ↓

Bukod sa pagiging co-host, si Chi ang producer ng Maynila. Nagpapasalamat siya sa suportang ibinibigay sa kanila ng GMA-7 management mula noong 1998 hanggang sa kasalukuyan.

THE GOOD JUAN

Habang nakapahinga ang Maynila, hindi naman mababakante si Chi dahil ang The "Good Juan," ang segment niya sa Rise & Shine Pilipinas ng PTV4, ang kanyang pagtutuunan ng pansin.

Ang Rise & Shine Pilipinas ang ipinalit sa Bagong Pilipinas, ang morning show ng PTV4 na sinuspinde ang airing noong March 2020 dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Naging bahagi rin si Chi ng Bagong Pilipinas at ang kanyang segment na "Bahay Muna."

Work from home si Chi sa Rise & Shine Pilipinas kaya natutunan niyang maging cameraman, direktor, at scriptwriter ng sarili.

Si Chi na rin ang talent coordinator ng "The Good Juan" segment dahil siya ang naghahanap ng mga bisitang may mga inspirational story na maibabahagi sa publiko sa panahon ng pandemya.

Continue reading below ↓

Para sa unang episode ng "The Good Juan," si Ronnie Liang ang guest ni Chi.

Tumanggap ito ng mga positive feedback mula sa televiewers dahil sa kuwento ng singer-actor tungkol sa mga karanasan niya sa paglilingkod sa ating mga kababayan bilang second lieutenant ng Philippine Army.

Sina Giselle Sanchez, Victor Pring, at Chef Rosebud Benitez, na may kanya-kanyang kuwentorin tungkol sa pagsisilbi nila sa mga nangangailangan sa panahon ng COVID-19, ang mga nakapanayam ni Chi para sa mga susunod na episodes ng "The Good Juan."

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyak ni Chi Atienza-Valdepenas (kaliwa) na magbabalik ang Maynila, ang Saturday morning drama anthology nila ng amang si Congressman Lito Atienza sa GMA-7, kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results