Paniningil ni BB Gandanghari para sa kanyang tell-all, hindi uubra sa nagtitipid na Pinoy?

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2020
BB Gandanghari sa kanyang desisyong maningil para sa "BB Uncut" exclusive tell-all: "Makinig yung mga gustong makinig. I’m not for the views. If I’m for the views, I could have said more."
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube

Simula sa susunod na Linggo, September 20, magiging exclusibo na ang mga rebelasyon ni BB Gandanghari tungkol sa kanyang personal na buhay.

Para na ito sa kanyang Youtube subscribers na handang magbayad ng membership fee—na ang price range ay $1.99 o PHP49 (BBnatics), $9.99 o PHP599 (BBlicious), at $99.99 o PHP5,999 (BBingers) kada buwan.

May exclusive after-party live chat ang BBingers kasama si BB kaya mas mahal ang fee ng mga ito.

Si BB ay dating kilala bilang Rustom Padilla, na naging matinee idol sa Philippine showbiz noong '90s at kalaunan ay lumabas sa action movies.

Hanggang sa noong 2006, inamin niyang siya ay "gay" sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother.

November 2016 nang i-grant ng isang U.S. court ang petisyon niya na kilalanin siya bilang Binibini Gandanghari, na ang gender ay female, sa kanyang identification documents doon.

Sa California na nakabase si BB magpasahanggang ngayon.

Nitong mga nagdaang linggo, agaw-pansin ang hati-hating paglalahad ni BB tungkol sa "intimate" encounter niya bilang Rustom Padilla sa isang "famous actor."

Continue reading below ↓

Ang code name niya para sa famous actor ay "Jonathan."

Naganap daw iyon sa San Francisco noong 2001.

Umani ng batikos si BB dahil nandadamay pa raw ito ng taong nananahimik.

Agad silang binuweltahan ni BB:
"Sa gitna ng lahat ng kaguluhan na ito at sa lahat ng mga maling paratang" sabi ni BB sa kanyang September 12 YouTube vlog, "—sa mga mura, sa mga maling bintang, nandiyang baliw, sira-ulo kulang sa pansin, isinusuka ng pamilya—lahat ng masasakit na salita, nanggagaling pa sa mga kaibigan yung iba.

"Napag-isip-isip ko na I think this story is not for everybody."

Nasaktan daw si BB dahil, bukod sa kanyang mga kaibigan, umalma rin pati mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) community sa Pilipinas sa throwback story niyang nagsasangkot sa isang sikat na aktor.

Depensa ni BB, tungkol sa pag-ibig at hindi sa homosexual act o casual sex ang kanyang kuwento.

Kaya ipagpapatuloy pa rin daw niya ang paglalahad ng kanyang karanasan, pero para na lamang sa mga miyembro na handang magbayad.

Continue reading below ↓

"Makinig yung mga gustong makinig. I’m not for the views. If I’m for the views, I could have said more.

"But I’m for my story. I want my story to be told this way. I don’t want to be edited by an editor. I wanna say what I wanna say," ani BB.

Nangako si BB na itutuloy ang kuwento tungkol sa pagkikita ni Rustom at ni Jonathan nang bumalik na ang dalawa sa Pilipinas matapos ang kanilang San Francisco encounter.

Sabi nito sa vlog, "Next week abangan ninyo ang ating closed circuit live stream 'BB Uncut,' and we will see kung anong lessons ang matututunan ni Rustom sa naging experience niya as David.

"Kasi I think after this episode, a Pandora’s box was opened. Kay Rustom ito, ha? Parang all of a sudden, nabuksan ang Pandora’s Box. How? Yan ang malalaman natin sa pagpapatuloy ng 'BB Uncut.'

"Again, lahat ng livestream is free, but only 'BB Uncut' will be for membership only. Magkakaroon ng closed circuit after-party. Inuman na ito tsaka question and answer."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni BB sa desisyon niyang maningil para sa exclusive at for-members-only videos niya sa Youtube: "Naiintindihan ko naman na hindi lahat makaka-afford ng membership for 'BB Uncut.'

"Sa mga hindi niyo ako makikita next week, nalulungkot ako. Gusto kong umiyak kasi happy talaga ako na makita kayo. But thank you, thank you for all your support."

ON BB'S MOVE TO CHARGE FOR HER TELL-ALL

Noong Rustom Padilla pa si BB, kilala siya sa pagiging matipid at masinop sa pera, kaya tiyak na naiintindihan niya kung hindi magtagumpay ang kanyang planong gawing exclusive-for-members ang "BB Uncut."

Tulad niya, pinahahalagahan ng bawat Pilipino ang bawat sentimo, lalo na sa panahon ng krisis na hatid ng coronavirus pandemic.

Kaya malamang ay mas uunahin nilang gumastos para sa pagkain kesa panoorin ang kanyang tell-all.

Sa Pilipinas isinilang, nagkaisip, matagal na nanirahan, at nagkaroon si Rustom ng showbiz career bago siya nag-migrate sa Amerika bilang BB Gandanghari.

Continue reading below ↓

Kaya siguradong alam niya ang ugali ng mga Pilipino, na hangga’t makakatipid at makakalibre, hindi sila gagastos sa mga bagay na hindi importante.

Mahusay na halimbawa ang mga artistang milyon-milyon ang bilang ng followers sa social media pero walang mga pelikula o television assignment.

Milyon-milyon ang bilang ng kanilang social-media followers dahil interesado ang mga kababayan nating maki-tsismis sa mga nagaganap sa kanilang personal na buhay.

Pero hindi sila gagasta para panoorin ang mga pelikula ng mga iniidolo nila.

Kung talagang sinusuportahan ng fans ang mga artistang iniidolo nila, wala sana ang mga short-lived television series dala ng poor ratings na resulta ng kawalan ng manonood.

FOR THE SAKE OF LOVE OR FOR VIEWERSHIP?

Sinabi ni BB na naiintindihan nito na hindi lahat ay may kakayahang magbayad ng membership para panoorin ang kanyang mga rebelasyon, na hindi na rin maituturing na bago dahil marami na siyang nasabi tungkol sa mga nangyari noong April 2001.

Continue reading below ↓

Dapat tanggapin ni BB ang katotohanan na hindi niya maaaring i-please ang lahat.

Lalo na ang mga taong inaakusahan siyang pinagkakakitaan niya ang aktor na nadadawit sa kanyang mga rebelasyon, habang ang pinatutungkulan niya ay tahimik, nananatiling may dignidad, at malinaw na may respeto sa sarili.

Paulit-ulit na sinasabi ni BB na walang masamang intensyon ang pagsasalita niya, maliban sa kagustuhang ibahagi sa lahat ang pag-iibigan ng dalawang lalake.

Pero hindi maitatangging may nasasaktan sa ginagawa niya, kaya hindi ito matatawag na kuwento ng pagmamahalan tulad ng kanyang ipinagpipilitan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BB Gandanghari sa kanyang desisyong maningil para sa "BB Uncut" exclusive tell-all: "Makinig yung mga gustong makinig. I’m not for the views. If I’m for the views, I could have said more."
PHOTO/S: BB Gandanghari Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results