Watch Now

Piolo Pascual, dapat bang sampahan ng reklamo si BB Gandanghari?

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2020
Legal expert, naniniwalang hindi papatulan ni Piolo Pascual (kaliwa) ang mga pasabog ni BB Gandanghari (kanan): "Hindi niya papatulan ‘yan. Piolo will just have to take the higher ground and not make pansin."
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Para sa mga nakikisimpatiya kay Piolo Pascual, malaki ang pinsalang ginawa ng tell-all vlog ni BB Gandanghari sa A-list actor.

Sa kanyang two-part vlog noong August 30 at September 6, inilahad ni BB ang "romantic encounter" ni Rustom Padilla sa isang "famous actor" sa San Francisco, California, noong 2001.

Itinago pa ni BB sa mga pangalang "David" at "Jonathan" ang mga tauhan sa kanyang kuwento, ngunit sa unang bahagi pa lang ng vlog ay makailang beses binanggit ang mga pangalang Rustom at Piolo.

Sa kabila ng mga pasabog ni BB, tahimik lamang si Piolo.

Tuloy ang normal na pamumuhay ni Piolo.

Pruweba ang Instagram live niya ngayong hapon, September 17, habang naglalaro sila ng badminton ng mga kaibigan.

Piolo Pascual (in black) playing badminton with friends

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, hindi pa tapos ang mga rebelasyon ng nakaraan nina Rustom at Piolo dahil, ayon kay BB, nagsisimula pa lamang siya.

"Damaging" sa reputasyon ni Piolo, na isang leading man sa pelikula, ang mga kuwento ni BB kaya may mga nagsasabing may karapatan siyang magsampa ng reklamo.

Ito ang itinanong ng Cabinet Files sa isang legal expert na madalas nakakahawak ng mga kaso sa local entertainment industry.

GROUND FOR CYBER LIBEL?

May basehan ba para sampahan ng reklamo ni Piolo si BB?

"Actually there is, but the problem is he’s not based here," sagot ng legal expert tungkol kay BB. "He’s in the U.S."

Sabi pa ng abugado, "And our criminal laws, may territoriality principle, so wala tayong jurisdiction over cases or crimes that are committed outside the country. So, it can be a test case."

Sa territoriality principle, ayon sa brittanica.com, "no country's law is applicable outside its own territory: if a cross-border situation arises, a connecting factor is required to determine the relevant law to be applied in this situation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang malinaw, ayon sa legal expert, ay pasok ito sa kasong cyber libel.

"This is cyber libel, technically. He [BB] can be responsible for it.

"But there’s no set jurisprudence up to now. Yun ang problem. Dapat yung krimen sa Pilipinas ginawa at nandito yung tao."

Nakadepende raw ito sa gagawin ng Supreme Court.

"But, I do not know how the Supreme Court will act on cases like these because of the Revised Penal Code provision natin on the territoriality doctrine. Meaning, dapat nandito yung offender at yung offended party. Dito ginawa yung krimen. That’s how it goes.

"Yun ang question ngayon diyan—how the Supreme Court will rule on that. So that’s a gray area because it hasn’t been done yet. Yun ang kulang natin."

Dagdag na paliwanag ng legal expert, "But if the question is if it’s a cyber libel—definitely, yes.”

Naniniwala naman ang legal expert na hindi pag-aaksayahan ng panahon ni Piolo ang tell-all vlog ni BB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi niya papatulan ‘yan. Piolo will just have to take the higher ground and not make pansin,” sabi ng abogado na hiningan ng opinyon ng Cabinet Files tungkol sa BB-Piolo controversy.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Legal expert, naniniwalang hindi papatulan ni Piolo Pascual (kaliwa) ang mga pasabog ni BB Gandanghari (kanan): "Hindi niya papatulan ‘yan. Piolo will just have to take the higher ground and not make pansin."
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results