Kuwento ng love triangle ng tatlong aktor, alam ng isang showbiz personality

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Alam na alam ng isang showbiz personality ang kuwento tungkol sa love triangle ng tatlong aktor dahil kaibigan niya si Actor A na niloko ni Actor B.

Ang showbiz personality ang shoulder to cry on ni Actor A nang makumpirma nitong unfaithful si Actor B sa kanilang relasyon.

Iniyakan ni Actor A ang pagpatol ni Actor B kay Actor C dahil ang akala niya, tapat si Actor B sa kanilang inililihim sa publiko na love affair.

Ang showbiz personality ang pinagkakatiwalaan ni Actor A ng mga sikreto niya. Malalim ang friendship ng dalawa kaya nagalit din si showbiz personality kay Actor B sa panlolokong ginawa nito kay Actor A.

Nadagdagan ang hinanakit ng showbiz personality kay Actor B dahil kahit nakikipagrelasyon na ito kay Actor C, patuloy pa rin ang pagpapadala niya ng mga “I still love you” text message kay Actor A.

Para sa showbiz personality, hindi tama ang emotional and mental torture na ipinararanas ni Actor B sa kanyang kaibigan.

Continue reading below ↓

Nang magkita sina showbiz personality at Actor B sa studio ng isang television show, namutla at pinagpawisan si Actor B dahil may kutob siyang alam ni showbiz personality ang pagtataksil at “ghosting” na ginawa niya kay Actor A.

Dahil masama ang loob ni showbiz personality sa pang-aagrabyado ni Actor B kay Actor A, naging malamig ang pakikitungo niya kay Actor B nang magpang-abot sila sa studio ng TV show.

Matagal nang naka-recover si Actor A mula sa matinding heartache na ibinigay sa kanya ni Actor B at masaya na ngayon ang personal na buhay niya.

Hindi naman nagtagal ang relasyon nina Actor C at Actor B.

Walang permanenteng relasyon si Actor B, na madalas iniiyakan ng kanyang mga naging boyfriend dahil siya ang nang-iiwan at naghahanap ng mga bagong mamahalin.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results