Mayor Isko Moreno, nakiusap na tigilan ang pagbatikos kay Karen Davila

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2020
Isko Moreno on his Facebook Live (left). Karen Davila on Headstart (right).
Matapos ang kanyang interview sa Headstart, napansin ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pag-atake at pagpukol ng batikos ng ilang vloggers sa host ng news show na si Karen Davila.

Nanawagan si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga vlogger na tigilan na ang paghahasik ng galit laban sa Kapamilya broadcaster na si Karen Davila.

Ayon kay Mayor Isko, dahil ito sa interview sa kanya noong September 10 sa Headstart ng ANC, ang all-news 24-hour cable news channel ng ABS-CBN.

Tinalakay sa interview ang tungkol sa paglalagay ng dolomite sand sa Manila Bay na bahagi ng rehabilitation project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Naging mainit na topic ang Manila Bay rehabilitation ng DENR dahil sa mga sumusunod na issue:

Sa laki ng pondong ginamit para rito (PHP389 million) na puwede raw sanang nailagay sa COVID-19 response, sa paraan ng pagkakamina ng dolomite sand, sa banta sa kalusugan ng mga naninirahan sa paligid ng Manila Bay, at sa pinsalang idudulot nito sa Manila Bay mismo.

Pinukol si Karen ng mga batikos dahil sa mga walang paliguy-ligoy na sagot ni Mayor Isko sa mga katanungan niya.

Suportado ng actor-turned-mayor ang rehabilitation project ng DENR sa Manila Bay pero naalarma siya sa mga paninira at pagbatikos laban kay Karen.

Dahil dito, nakiusap siya sa mga vlogger na maghinay-hinay.

“Medyo nabahala lang ako dahil kung maaalaala ninyo noong in-interview ako ni Ms. Karen Davila, pinipilit kong sagutin yung mga katanungan sa abot ng aking kaalaman at pinipilit kong sagutin siya in a factual manner.

"But don’t get it against Ms. Karen Davila, unfair naman po iyon sa kanya,” ang pahayag ni Mayor Isko sa kanyang live Facebook broadcast kagabi, September 18.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nananawagan ako sa mga vloggers, nakikisuyo. Let us not stimulate hate [against] Karen Davila, one of many journalists, broadcaster, or nagbibigay ng balita. They’re just trying to do their jobs.

"Ibig kong sabihin, trabaho natin vlogger, sana kumita kayo at thank you sa inyong mga impormasyon at thank you for your promotion of the city of Manila.

"Malaking bagay po ang ginagawa ninyo. But as we progress, we can be responsible individual[s]. Huwag nating hayaan na yung hate ang umiral. Mali po iyon.

GRATEFUL

“I’m grateful to what you’re doing but yung ipapako natin sa krus dahil ginagawa nila yung kanilang trabaho based on their field of undertaking especially mga journalist, hindi rin maganda.

“Totoo, halimbawa sa journalism, may mga ilan din naman talagang nakikita natin na nagpapagamit, pero generally, kailangan patuloy tayong maniwala sa mga institusyon, sa gobyerno, sa lahat.

THE LAW OF KARMA

"Alam ninyo'ng kasabihan na kung ano ang itinanim ninyo, siyang aanihin mo.

"So kung tayo’y nasa kalagitnaan ng pandemic, kung ang itatanim natin pagmamalasakit sa kapwa, sa isa’t isa, pagmamalasakit din ang aanihin natin.

“Kung hate naman, kasi hindi rin masisisi yung iba nating kababayan na meron talagang naghahanapbuhay na gagawin lang, magtanim ng galit, magtanim ng hate, magkalat ng masasama kasi yun ang hanap-buhay nila.

“I wish them well, I hope hindi sila gabâan kasi may gabâ po yan."

Gabâ o gabâan ay salitang hango sa dayalektong Visaya, na ang translation ay bad karma.

Patuloy ni Mayor Isko, "Naalaala ko yung sinasabi ng nanay ko, 'Huwag kang aangat na ang inaapakan mo ay likod ng tao o paa ng tao.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

STAY AWAY FROM POLITICS

"Yun po ang aking panawagan, huminay tayo nang konti. Huwag tayong sasabay sa bilis ng agos ng sitwasyon, baka malunod tayo.

“Makalimutan natin isang araw, walang pupunta sa atin dahil wala naman magmamalasakit sa ating mga kapwa Pilipino kundi tayong kapwa Pilipino, kung hindi tayo magmamahalan.

“Kaya patuloy nating igalang ang pananaw ng iba.

"Say your piece, don’t argue. Huwag kayong basta sasali diyan sa away ng mga pulitiko.

"Naku, por Diyos por santo, I’ve seen it," pagwawakas ni Mayor Isko sa kanyang panawagan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang kanyang interview sa Headstart, napansin ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pag-atake at pagpukol ng batikos ng ilang vloggers sa host ng news show na si Karen Davila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results