Maureen Larrazabal, negatibo na sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2020
Maureen Larrazabal in red blouse.
Malaki ang pasasalamat ni Maureen Larrazabal sa Panginoon dahil sa paggaling niya mula sa COVID-19.
PHOTO/S: Noel Orsal

Nasubaybayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang COVID-19 journey ni Maureen Larrazabal.

Kaya ibinahagi niya agad ang resulta ng swab test sa kanya na lumabas ngayon, September 19.


Noong August 5, inakala ni Maureen na COVID-19 scare lamang ang nangyari sa kanya dahil nawalan siya ng pang-amoy at nagkaroon ng lagnat.

Continue reading below ↓

Pero kahit hindi sumailalim swab test, dalawang linggo siyang nagkulong sa kuwarto, uminom ng paracetamol, nagsuob, at naghanda ng oxygen tank bilang paghahanda kung sakali na mahirapan ang paghinga niya.

Noong September 7, kinumpirma ni Maureen sa PEP na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ito'y matapos na matanggap ang resulta ng swab test na mandatory para sa cast ng Pepito Manaloto.

Mag-uumpisa na kasi ang taping nila para sa mga fresh episode ng kanilang sitcom.

Masaya na ibinalita ngayon ni Maureen na negatibo na siya sa COVID-19 na nilabanan niya nang mahigit isang buwan.

“Best gift ever! God is great!” ang maligayang-maligayang reaksyon ni Maureen na magdiriwang ng kaarawan sa September 23.

“Umiiyak ako habang tumatawa nang mabasa ko ang resulta ng swab test sa akin.

“Magpapamisa ako 'tapos magpapasalamat sa lahat ng mga tao na hindi ako iniwan, hindi ako iniwasan, at hindi nag-discriminate sa akin.

"Isa-isa ko silang padadalhan ng message, pati na ang GMA-7 network na sinuportahan ako.

Continue reading below ↓

"I can finally hug my family, “ sabi pa ni Maureen na umaming nakaramdam ng takot nang makumpirma niya na COVID-19 positive siya.

Pero nangibabaw raw sa kanya ang pagiging matatag.

"Nilalakasan ko lang ang loob ko, pero ang daming nagsasabi sa akin na nasa system pa rin nila si COVID kahit three months na ang nakalilipas.

“When they learned about me na positive, they started calling and sending me messages saying na sila, three months nang positive. 'Tapos yung new strain is stronger and may isang doctor na asymptomatic 'tapos nang ma-reinfect, severe na agad.

“Nilakasan ko lang talaga ang loob ko. Hiyang-hiya rin ako sa mga tao dahil siyempre, ayokong ma-compromise ang health nila nang dahil sa akin.

"Pero negative naman ang resulta ng swab test sa kanila kaya happy ako.”

Naikuwento rin ni Maureen sa Cabinet Files ang mga insensitive message na ipinadala ng mga tao nang aminin niya na COVID-19-positive siya.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito naging dahilan para manghina ang kanyang kalooban.

“May mga nagbiro sa akin na kapag may party, magpa-test muna ako para positive. Jokes are half-meant from people who are not that close to me but still parang insensitive. I took it as a challenge.

“Nag-surrender na lang ako talaga kay God. Sabi ko, basta magpapalakas ako, pipikitan ko na lang yung COVID-19.

“Saka sabi ko, first time ko na hihingi ng wish na pangsarili for my birthday, and that’s for God to heal me.

"Ibinigay naman Niya,” ang pahayag ni Maureen na lalong tumibay ang pananalig sa Nasa Itaas dahil sa pagsubok na kanyang nalampasan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang pasasalamat ni Maureen Larrazabal sa Panginoon dahil sa paggaling niya mula sa COVID-19.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results