Mayor Isko Moreno, iginiit na hindi delikado sa kalusugan ang dolemite sand sa Manila Bay

by Jojo Gabinete
Sep 19, 2020
Hindi raw papayag si Manila City Mayor Isko Moreno na magdelikado ang kalusugan ng kanyang mga nasasakupan, kaya't suportado niya ang rehabilitasyon ng Manila Bay gamit ang dolemite sand.
PHOTO/S: Manila Public Information Office

Pinangunahan ngayong araw, Sabado, September 19, nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu at Manila City Mayor Isko Moreno ang pagbubukas sa publiko ng bahagi ng Manila Bay na sumailalim sa rehabilitasyon.


Kaugnay rin ng pagbubukas ng Manila Bay sa publiko ang paggunita sa Celebration of International Coastal Cleanup Day.

Dumagsa sa selebrasyon ang ating mga kababayan na sabik na makita ang itsura ng Manila Bay, matapos na tambakan ng dolomite sand na inilagay ng DENR.

Tumanggap man ng mga batikos, may mga pumuri at namangha rin sa puting buhangin na itinambak sa baybayin ng Manila Bay.

Naging kontrobersiyal ang rehabilitasyon ng Manila Bay dahil sa malaking halagang ginastos rito.

PHP398 million ang budget na inilaan ng DENR para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon sa mga kritiko, puwede sanang nagamit sa COVID-19 response ng gobyerno ang nasabing budget.

Nakuwestiyon din ang magiging epekto ng dolomite sand sa tubig at yamang-dagat ng Manila Bay at sa kalusugan ng mga naninirahan malapit dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, may mga natuwa sa malinis na bahagi ng Manila Bay na pinasyalan na rin ng migratory birds.

Nagpatingkad tuloy ito sa bagong itsura ng baybay na itinuturing na isa sa may pinakamagandang tanawin ng paglubog ng araw sa buong mundo.

Pinasalamatan ni Moreno si Secretary Cimatu at ang DENR sa rehabilitation na ginawa sa Manila Bay.

Sinabi ni Moreno sa kanyang welcome speech na hindi siya papayag na makapaminsala sa kalusugan ang anumang uri ng development sa lungsod na kanyang pinamumunuan dahil obligasyon niya na pangalagaan ang kaligtasan ng bawat isa.

Noon pa iginiit ni Moreno na ayon sa Department of Health (DOH), walang hatid na panganib sa kulusugan ang dolomite sand na inilagay ng DENR sa Manila Bay.

Nung September 9, naglabas ng statement ang DOH na hindi nga health hazzard ang ginamit na dolomite sand sa Manila Bay.

Malakas na palakpakan ang tinanggap ni Moreno sa pahayag nito na, "Hindi na kailangang pumunta sa Copacobana beach sa Brazil. There’s Brazil in Manila!”

Dahil daw ito sa bagong mukha ng Manila Bay.

“May mga iilan nagsasabi na hindi napapanahon. Ang tanong ko sa inyo, kailan ang panahon para pangalagaan ang kapaligiran ng ating bansa?” ang tanong ni Isko.

Nagpahaging din si Mayor Isko sa ibang mga naglilingkod sa gobyerno.

Aniya, nakakalimot ang mga ito na maging objective, dahil sa panunuyo sa mga tao para mailuklok sila sa puwesto tuwing halalan.

Trivia. Immortalized sa Condemned, City After Dark, Babae sa Breakwater at sa 1988 Chuck Norris-starrer na Missing In Action Part 111: Braddock ang Manila Bay dahil dito kinunan ang ilan sa mga eksena ng nabanggit na pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw papayag si Manila City Mayor Isko Moreno na magdelikado ang kalusugan ng kanyang mga nasasakupan, kaya't suportado niya ang rehabilitasyon ng Manila Bay gamit ang dolemite sand.
PHOTO/S: Manila Public Information Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results