Enzo Pineda, officially a COVID-19 survivor

by Jojo Gabinete
Sep 20, 2020
Enzo Pineda wearing a hospital tag bracelet after surviving COVID-19. His father Rep. Eric Pineda joins a Zoom meeting on his hospital bed.
Katulad ng kanyang amang si 1PACMAN Partylist Rep. Eric Pineda (kanan), tinamaan din ng COVID-19 si Enzo Pineda (kaliwa).
PHOTO/S: Lorenzo Pineda Facebook

Isiniwalat ni 1PACMAN Partylist Representative Eric Pineda noong September 5 na positibo siya sa COVID-19 kaya binigyan niya ng babala ang mga tao na kanyang nakahalubilo.

“I would like to inform everyone that I tested positive for COVID-19.

"For those that I may have had contact the last 5 days, please take the necessary precautions,” ang mensahe ni Pineda.

Si Pineda ang ama ng aktor na si Enzo Pineda.

Ngayong hapon, September 20, kinumpirma ni Enzo na, tulad ng kanyang ama, nag-positibo rin siya sa COVID-19.

Pero maayos na raw ang kalagayan niya.

Sa kanyang Facebook page, pinasalamatan ni Enzo ang pamilya at mga kaibigan na dumamay sa kanila ng ama habang naka-confine sila sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga doktor at nurses na nag-alaga sa kanila.

“Officially a COVID-19 survivor,” ang bungad na mensahe ni Enzo para sa kanyang Facebook friends.

Continue reading below ↓

Ang kabuuan ng kanyang FB message, published as is: “I want to thank my loving family & friends who kept me and my Dad in good spirits. Thank you to all the hardworking doctors, nurses & crew of Cardinal Santos Medical Center who took good care of me and my Dad.

“Mga bayani kayo and salamat sa lahat ng sakripisyo na ginagawa niyo para sa ating bayan. Most importantly, I want to thank God for giving me strength.

“Definitely, this pandemic made me more closer to Him. I promised God that I will come out stronger mentally, physically, & spiritually after this experience. God is good.”

Enzo Pineda's Facebook post.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katulad ng kanyang amang si 1PACMAN Partylist Rep. Eric Pineda (kanan), tinamaan din ng COVID-19 si Enzo Pineda (kaliwa).
PHOTO/S: Lorenzo Pineda Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results