Pagbukas sa publiko ng rehabilitated portion ng Manila Bay, iresponsable

by Jojo Gabinete
Sep 20, 2020
Manila residents walk on dolomite sand covered portion of rehabilitated Manila Bay.
Binuksan sa publiko ang rehabilitated portion ng Manila Bay na dinagsa naman ng mga kababayan nating sabik na makakita ng pekeng white sand na tinambak doon.

Sinibak sa puwesto si Ermita Police station commander Lieutenant.Colonel Ariel Caramoan.

Nabigo kasi ito na ipatupad ang physical distancing sa mga kababayan natin na dumagsa ngayong Linggo sa ni-rehabilitate na bahagi ng Manila Bay.

Kinumpirma ni Philippine National Police Joint Task Force COVID Shield commander Lieutenant General Guillermo Eleazar ang pagkakatanggal kay Caramoan sa posisyon dahil sa mga naging pagkukulang nito.

Muling binuksan sa publiko sa pangalawa at huling araw ang rehabilitated portion ng Manila Bay na nilatagan ng dolomite sand.

Madaling-araw pa lang, dagsa na ang mga kababayan natin na nagmistulang ignorante dahil parang ngayon lamang sila nakakita ng fake white sand.


Higit sa lahat, inilagay nila sa kapahamakan ang mga sarili dahil nag-unahan at nagsiksikan sila para makatuntong sa pinulbos na dolomite rock sa baybayin ng Manila Bay.

Pansamantala nilang kinalimutan ang matinding panganib na hatid ng COVID-19.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyan ng limang minuto ang mga turista para makapaglakad sa white sand beach, makahalubilo ang migratory birds at ang mga isda na lumalalangoy malapit sa pampang ng Manila Bay.


Hindi nakapagtataka na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dahil iresponsable at pabaya ang mga kababayan natin na hindi pinahahalagahan ang kanilang kalusugan at ang mga pagsasakripisyo ng mga frontliner.

Nakapag-iinit ng dugo ang eksena sa Manila Bay na pati ang mga maliliit na bata, isinama ng matatanda para makita lamang ang pekeng buhangin.

May pananagutan ang mga government official sa nangyari dahil sa kanilang desisyon na buksan sa publiko ang Manila Bay habang nakaamba ang malaking perhuwisyo ng COVID-19.

At dahil parang manhid na ang mga Pilipino, nagawa pa nilang gawin na katatawanan ang sitwasyon sa pamamagitan ng #ManilaBayChallenge o ang posting sa social media ng kanilang photoshopped pictures na nagpapakita na nasa Manila Bay sila.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binuksan sa publiko ang rehabilitated portion ng Manila Bay na dinagsa naman ng mga kababayan nating sabik na makakita ng pekeng white sand na tinambak doon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results