Veteran broadcast journalists mula GMA-7, TV5, ABS-CBN sanib-puwersa sa isang makabuluhang proyekto

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2020
Si Paolo Bediones (kaliwa) ang magsisilbing lead trainer para sa 300 teacher broadcasters na sasailalim sa training sa isang proyekto ng Department of Education. Lalahukan din ito ng ilang multi-awarded broadcasters mula sa tatlong giant networks sa bansa.
PHOTO/S: Instagram

Magsasanib-puwersa ang multiawarded broadcast journalists para maging mentors ng tatlong-daang guro na nakapasa sa audition na ipinatawag ng Department of Education (DepEd) para sa mga teacher-broadcasters.

Makakasalamuha ng 300 na guro sina Jessica Soho, Korina Sanchez, Luchi Cruz-Valdes, Karen Davila, Arnold Clavio, Kim Atienza, Kara David, Sandra Aguinaldo, Abner Mercado, Atom Araullo, Jacque Manabat, MJ Marfori, at Paolo Bediones.

Ang mga kilalang broadcasters ay magbabahagi ng kanilang kaalaman sa mga mapapalad na gurong napili ng DepEd.

Si Paolo, na kilala rin bilang motivational speaker, ang lead trainer, at si Luchi ang senior trainer ng makabuluhang proyektong ito ng DepEd.

Si Paolo ang nagpaliwanag sa Cabinet Files tungkol sa magiging partisipasyon nila ng kanyang kapwa broadcasters sa programang lalahukan ng mga guro na sasanayin ng DepEd bilang teacher broadcasters.

"One of the modalities of the DepEd in its Distance Learning Program is television, so Undersecretary Alain Pascua came up with DepEd TV where the learners can have an education while watching TV.

Continue reading below ↓

"I volunteered to put together an extensive training program for the public school teachers who will be chosen to be Teacher Broadcasters so they can better adapt to their new medium of instruction.

"Together with Luchi Cruz-Valdes, Gin de Mesa of the PCOO, and Marge Natividad, we crafted a training program for on camera and production work involved in DepEdTV."

Si Natividad ang executive producer ni Paolo sa Extra Challenge, ang dating programa ng TV host sa GMA-7.

Patuloy ni Paolo, "Teachers have to learn how to write their own script, shoot, edit, and produce their episodes for television.

"We gathered veteran broadcast journalists from the major networks who also volunteered to serve as mentors, tackling specific aspects of being a broadcaster, such as Jessica Soho, Korina Sanchez, Karen Davila, Arnold Clavio, Kim Atienza, and many more.

"An unprecedented 130 episodes a week will have to be produced to cover the major subjects of all grade levels."

Continue reading below ↓

Bilang lead trainer, si Paolo ang gumawa ng lahat ng modules para sa training program. Isinama rin niya ang mga video lesson ng ibang volunteers kaya nakabuo siya ng limampu’t isang aralin.

Saad pa niya, "Saludo ako sa mga magagaling na teachers natin who have put in so much effort and passion in this. The hard work for them has just begun and they embrace the responsibility."

May kakaibang fulfillment na nararamdaman si Paolo, na sabik nang umpisahan ang collaboration nila ng kanyang mga kasamahan sa industriya at ng DepEd sa susunod na buwan.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Paolo Bediones (kaliwa) ang magsisilbing lead trainer para sa 300 teacher broadcasters na sasailalim sa training sa isang proyekto ng Department of Education. Lalahukan din ito ng ilang multi-awarded broadcasters mula sa tatlong giant networks sa bansa.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results