Piolo Pascual, kailan magpapasalamat sa mga nagtanggol sa kanya laban kay BB Gandanghari?

by Jojo Gabinete
Sep 23, 2020
Humuhupa na ang pasabog ni BB Gandanghari tungkol sa nakaraan nina Piolo Pascual (nasa larawan) at Rustom Padilla. At gaya ng inaasahan, nananatiling tahimik si Piolo tungkol dito habang ang mga kaibigan at mga tagasuporta ang nakikipaglaban para sa kanya.
PHOTO/S: Cove Manila via @piolo_pascual Instagram

Gaya ng ibang kontrobersiya sa local entertainment industry, humuhupa na ang ingay ng rebelasyon ni BB Gandanghari sa nakaraan nina Rustom Padilla at Piolo Pascual na nag-umpisa sa San Francisco, California, noong April 2011.

Tulad nang inaasahan mula kay Piolo, pinili nitong manahimik at huwag patulan ang mga pahayag ni BB.

Hindi na bago ito dahil ganito rin ang ginawa ni Piolo nang maglabas si Mark Bautista ng tell-all book noong February 2018, ang Beyond The Mark.

Sa libro, tinawag ni Mark na “bromance” ang closeness nila ng “guy friend” na hindi niya direktang pinangalanan.

Inamin ni Mark na sa dalawang pagkakataon ay bumigay sila sa temptasyon at naging “intimate” sila. Pagkatapos ng pangalawang pagkakataon ay nangako silang hindi na iyon mauulit.

Hanggang sa muling naulit ang pagiging “intimate” nila nang kapwa sila malasing isang gabi.

Kinabukasan ay nalaman ito ng girlfiend ng kaibigan ni Mark na nagresulta sa “huge drama” sa kanilang tatlo.

Continue reading below ↓

Sa mga initerview, tumangging kumpirmahin o itanggi ni Mark kung si Piolo ang tinutukoy niyang "guy friend" sa libro.

Hindi naman malinaw kung ang pananahimik ang talagang gusto ni Piolo para sa sarili o siyang gusto ng namamahala sa kanyang career, ang Star Magic.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Boy Abunda noong September 16, tahasang sinabi ng veteranTV host na hindi makakaapekto kay Piolo ang mga juicy revelations ni BB.

Ani Boy tungkol kay Piolo, “ Because he’s a mystical Adonis, the most gorgeous man in this country.

"I also don’t subscribe to the idea na masisira yung career ni Piolo. Walang nakasira kay Piolo. Wala."

Kilalang-kilala raw ni Boy si Piolo at naniniwala siyang hinding-hindi magsasalita ang aktor tungkol sa personal revelations ni BB.

“Pero hindi magsasalita ‘yon. Hindi magsasalita ‘yon. I know Piolo,” siguradong-sigurado na sabi ni Boy.

Pero sa kabilang banda, malinaw na suportado ni Boy ang pagsisiwalat ni BB sa nakaraan nina Piolo at Rustom. Aniya, "Technically, she’s telling the story."

Continue reading below ↓

Hindi naman nilinaw ni Boy kung papaanong naging kuwento lamang ni BB ang isang romansang nandamay sa isang taong nananahimik.

Mapalad si Piolo dahil hindi na nito kailangang ipagtanggol ang sarili.

Ang mga kasamahan sa industriya, gaya ni Ai-Ai delas Alas, ang dumepensa sa kanya.

Overwhelming ang suporta para kay Piolo ng mga taong nagalit kay BB.

Marami rin ang taong hindi personal na kilala ni Piolo pero nakikipagbalitaktakan sa pagtatanggol sa kanya.

Sila ang bumuwelta kay BB, na nagulat sa hindi inaasahang pagputakti sa kanya ng bashers.

Hindi tanggap ng bashers ang katwirang ikinukuwento lamang niya ang journey ni Rustom sa pagpalaot nito sa katauhan ni BB.

Naniniwala silang karapatan ni Piolo ang manahimik.

Hindi namin pinangungunahan si Piolo, pero siguradong madaragdagan ang respeto at pagmamahal sa kanya kung magpasalamat ito sa mga taong nagtanggol sa kaniya nang walang anumang kapalit.

Mababaw lang ang kaligayahan ng mga nagtanggol at patuloy na nagtatanggol kay Piolo, kaya malaking bagay sa kanila kung makakarinig sila ng isang simpleng pasasalamat mula sa aktor na binigyan nila ng unconditional support and love.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humuhupa na ang pasabog ni BB Gandanghari tungkol sa nakaraan nina Piolo Pascual (nasa larawan) at Rustom Padilla. At gaya ng inaasahan, nananatiling tahimik si Piolo tungkol dito habang ang mga kaibigan at mga tagasuporta ang nakikipaglaban para sa kanya.
PHOTO/S: Cove Manila via @piolo_pascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results