Noli de Castro, hindi raw iiwan ang ABS-CBN; may patama sa gobyerno at sa dating mga Kapamilya

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2020
Noli de Castro, may patama sa mga dating Kapamilya na lumipat ng rival TV networks: "Yung iba, e, nagsasabi [Kapamilya forever], hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi."
PHOTO/S: Screengrab from TV Patrol / Jerome Ascano for PEP.ph

"Hitting two birds with one stone."

Ito ang malamang biro ni Noli de Castro sa kanyang radio program sa DZMM nitong Miyerkules ng umaga, September 23.

Isang listener kasi ang nagsabi kay Noli na huwag niyang iiwan ang ABS-CBN daily newscast na TV Patrol.

"Hindi po. Ako po ang tunay na Kapamilya Forever. Nagsimula ako dito nang magsimula ang ABS-CBN after ng martial law," saad ni Noli.

September 21, 1972 nang ideklara ng yumaong diktador at pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa buong bansa.

Sa bisa ng martial law, inangkin ng gobyerno ang kontrol ng lahat ng media companies.

Kabilang sa mga ipinasara ang ABS-CBN.

Nangyari ang EDSA People Power Revolution noong February 25, 1986, at ito ang nagpatalsik sa puwesto kay Marcos.

Kasunod nito, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Corazon Aquino, naibalik sa mga Lopez ang kontrol ng ABS-CBN.

unang patama ni NOLI: "MARTIAL LAW NA NAMAN..."

Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Noli, pabiro siyang nagbitiw ng patama sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

"O, martial law na naman, nandito pa ako," hirit ni Noli, na naging bise-presidente ng Pilipinas mula 2004 - 2010.

Nananatili pa rin daw siya sa ABS-CBN.

Sabay paglilinaw ni Noli, "Ay, hindi pala. Ipinasara na kami. Nandito pa kami, another martial law."

Noong December 3, 2019, nagsalita si Duterte sa pangatlong pagkakataon na titiyakin niyang hindi mabibigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

"Ang iyong franchise next year, if you expect ma-renew ‘yan, I’m sorry. I will see to it that you’re out," banta ni Duterte sa pamunuan ng Kapamilya network.

Nangyari nga ito noong July 10, 2020, kaya pinaratangang diktador si Duterte ng netizens.

Pitumpong miyembro ng House of Representatives ang tumangging pagkalooban ng bagong franchise ang Kapamilya Network.

Makalipas ang tatlong araw, noong July 13, inihayag ng Pangulo sa isang speech sa Jolo, Sulu, na lubha siyang nagalak dahil napabagsak daw niya ang oligarkiya sa Pilipinas.

Pahayag noon ni Pangulong Duterte: "Yun namang ABS-CBN, binaboy ako.

Continue reading below ↓

"Pero sinabi ko kapag ako ang nanalo, bubuwagin ko ang oligarchy ng Pilipinas.

"Ginawa ko. Without declaring martial law, sinira ko ang mga tao na humahawak sa ekonomiya at umiipit. At hindi nagbabayad.

"They take advantage sa kanilang political power."

ikalawang patama ni noli: para sa mga dating kapamilya

Hindi rin nakaligtas sa malamang biro ni Noli ang mga dating kasamahan niya sa ABS-CBN, na lumipat na sa ibang kompanya matapos bawiin ang franchise ng kanilang home network.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Noli, pero hindi lingid sa kaalaman ng publiko na bukod sa maraming programa ng ABS-CBN ang nawala sa ere, marami ring departamento sa kumpanya ang isinara.

Kasunod nito ay libu-libong mga empleyado ng istasyon ang na-retrench o nawalan ng trabaho.

"Hay naku! Totoo ang sinasabi ko, kaya Kapamilya forever.

"Yung iba, e, nagsasabi [Kapamilya forever], hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi," matalinhagang pahayag ni Noli.

Continue reading below ↓

May mga lumutang usap-usapang inendorso umano ni Noli sa TV Patrol ang kandidatura ni Duterte noong 2016 elections.

Ngunit maaaring binigyan ng ibang pakahulugan ang pagbanggit ni Noli sa pangalan ng dating mayor ng Davao City sa isyu noon ng laglag-bala sa mga paliparan.

Totoo namang masugid na tagasuporta ni Duterte ang stepdaughter ni Noli na si Kat de Castro, na madalas kunin noong host sa campaign sorties ni Duterte.

Nang manalo si Duterte bilang Pangulo ay nabigyan si Kat ng puwesto sa gobyerno bilang Department of Tourism (DOT) undersecretary for tourism and public affairs.

Noong 2018, itinalaga naman si Kat bilang miyembro ng board of directors ng state-run IBC-13. At noong March 2019 ay ginawa na siyang president at CEO ng network.

Nito namang February 2020, na-appoint siyang general manager ng PTV-4, ang government-owned TV network. Hawak pa rin niya ang posisyong ito hanggang ngayon.

ABS-CBN'S falling-out WITH FORMER PRESIDENT AQUINO

Nananatiling tapat sa ABS-CBN si Noli dahil raw sa suportang natanggap niya mula sa management sa loob ng mahabang panahon.

Continue reading below ↓

Lalo na noong binanatan siya ni former President Noynoy "PNoy" Aquino, sa 25th anniversary celebration ng TV Patrol, na ginanap sa Manila Hotel noong July 28, 2012.

Sinariwa ng isang column sa Manila Times ang umano'y battle of superegos sa pagitan ni PNoy at noo'y ABS-CBN Chairman Eugenio "Gabby" Lopez III.

Si PNoy ang special guest sa pagtitipon ng TV Patrol noong 2012.

Sa kanyang speech, hindi inaasahang sermunan ni PNoy si Noli at ibang mga reporter ng ABS-CBN, dahil sa diumano’y paghahatid ng mga negatibong balita laban sa kanyang administrasyon.

Ayon sa Manila Times, hindi nagustuhan ni Lopez ang pag-atake ni PNoy kay Noli at sa ibang tauhan ng TV Patrol.

"Lopez of course was livid and in their after-event drinks allegedly told his people: 'Doesn’t he realize he wouldn’t be president if not for us?'

"From then on, ABS-CBN never again invited Aquino to any of its events.

Continue reading below ↓

"The two scions of the country’s most powerful families—who both weathered fortunes’ ups and downs to emerge on top of the heap—would never speak again after that event."

Ayon pa rin sa Manila Times, may kinalaman umano ang naturang insidente sa hindi pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN noon pa lang panahon ng panunungkulan ni PNoy.

Inilahad dito ang inihaing bill ng isang congressman para sa franchise renewal ng ABS-CBN noong September 2014.

Hindi raw ito dininig sa Kamara noon.

"Giorgidi Agabao, a representative of Isabela province, did file a bill to renew ABS-CBN’s franchise in September 2014 but not even one hearing by the legislative franchise committee was held to deliberate on it.

"That was the only bill filled during Aquino’s term asking for ABS-CBN’s franchise to be renewed."

Dagdag ng diyaryo: "Gabby [Lopez] most probably thought that he didn’t need to beg Aquino to help ABS-CBN, since Mar Roxas was a shoo-in for the presidency in 2016, and there would be more than enough time before ABS-CBN’s franchise would expire in 2020."

Samantala, ang pumalit kay PNoy ay hindi lamang nangsesermon, nanakot pa at nagbabanta.

Malinaw na sa Pilipinas ay masyadong powerful ang isang Presidente. Tuloy, ang sinasabing three co-equal branches of government—executive, legislative, judiciary—ay nasasapawan ng iisa: ng executive branch.

Continue reading below ↓

TRIVIA: Imbitado kami sa 25th anniversary dinner ng TV Patrol sa Manila Hotel noong July 2012, kaya nasaksihan namin ang paglalabas ni Aquino ng sama ng loob laban kay Noli at sa mga reporter ng ABS-CBN.

Malaking balita iyon noon, at dahilan para masira ang isang gabi sana ng kasiyahan para sa mga bumubuo ng flagship primetime newscast ng Kapamilya network.

Ang falling-out sa pagitan ni PNoy at ni Lopez ang itinuturong dahilan kaya rin umano hindi na ni-renew ang kontrata ni Kris Aquino noong mid-2016.

Ngunit napatunayang tsismis lamang ito. Si Kris na mismo ang nagsabing ayaw niya ang terms ng kanyang kontrata kaya nagmatigas ito at hindi pumirma.

Noong mga panahong iyon, itinuturing si Kris na isa sa mga sikat at influential contract stars ng ABS-CBN.

Si Kris ay bunsong kapatid ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nang lumaon, inamin ni Kris na na-overestimate niya ang kanyang importansiya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noli de Castro, may patama sa mga dating Kapamilya na lumipat ng rival TV networks: "Yung iba, e, nagsasabi [Kapamilya forever], hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi."
PHOTO/S: Screengrab from TV Patrol / Jerome Ascano for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results