Noli de Castro, insensitive sa ABS-CBN talents na nawalan ng kontrata?

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2020
Former ABS-CBN employee Willy Cuevas (right) on Noli de Castro (left) saying Kapamilya employees are not loyal: "Ano pang gagawin nila doon kung wala na silang pagkukunan ng ikabubuhay? I think kaya niya lang nasasabi yun dahil may suweldo pa siya at hindi pa terminated ang kontrata niya."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Facebook

“Noli de Castro, gusto din naming maging Kapamilya Forever kaso ikaw na lang ang sumusuweldo, e. Be sensitive naman.”

Ito ang reaksiyon ni Willy Cuevas sa birong binitawan ni Noli de Castro tungkol sa mga dating kasamahan nito sa ABS-CBN na lumipat na sa ibang mga kompanya.

Nagsara ang Kapamilya Network matapos hindi pagkalooban ng Kongreso ng bagong franchise.

Si Willy ang creative manager ng mga game show at comedy show ng ABS-CBN tulad ng Minute To Win It at Banana Sundae.

Tatlumpu’t tatlong taong naglingkod si Willy sa ABS-CBN.

Kabilang siya sa mga libu-libong empleyadong nawalan ng trabaho matapos magsagawa ng malawakang retrenchment ang pamunuan ang ABS-CBN.

Sa radio program ni Noli sa DZMM kahapon, September 23, nagpatutsada siya sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN na lumipat ng ibang networks.

Sabi niya, "Hay naku! Totoo ang sinasabi ko, kaya Kapamilya Forever.

"Yung iba, e, nagsasabi [Kapamilya Forever], hindi naman pala forever. Wala naman forever kasi."

Continue reading below ↓

Kumbinsido si Willy na naging insensitive si Noli kaya hindi niya pinalampas ang pahayag ng TV Patrol anchor na ito ang tunay na "Kapamilya Forever."

"Para kasing nagpaparinig siya sa lumilipat, e, kaya lang naman lumipat ang mga yun kasi na-terminate na ang kontrata nila," sabi ni Willy sa pakikipag-usap sa kanya ng Cabinet Files ngayong umaga, September 24.

"Ano pang gagawin nila doon kung wala na silang pagkukunan ng ikabubuhay? I think kaya niya lang nasasabi yun dahil may suweldo pa siya at hindi pa terminated ang kontrata niya."

Ikinumpara ni Willy si Noli sa isang mascot.

"Kumbaga, mascot na siya ng kompanya. Wala namang kompanya ang magbebenta ng mascot kahit ma-bankrupt at wala rin bibili.

"Kumbaga, aanhin naman ng Jollibee si Ronald McDonald?

"Konting sensitivity lang ang hinihingi namin sa kanya kasi masakit pa ang sugat. Kumbaga, sariwa pa.

"Pwede naman kaming tawaging Kapamilya Forever kahit wala kami sa ABS-CBN,” paliwanag ni Willy, na hindi itinago ang pagkadismaya sa biro ni Noli.

Continue reading below ↓

Nagsimula ang TV career ni Willy sa gag show ng ABS-CBN na Goin' Bananas noong 1987.

Ang Tropang Trumpo ng TV5 at Bubble Gang ng GMA-7 ang dalawa sa mga gag shows na inumpisahan niya.

Si Cuevas ang sumulat ng kuwento ng Pera O Bayong Not Da TV at direktor ng comedy series na Tarajing Potpot, bago siya naging abala bilang creative manager o taga-isip, ng mga new concept at pamamahala ng mga franchised programs ng ABS-CBN.

Original concept niya ang Game Ka Na Ba? ni Kris Aquino.

Ilan pa sa mga naging programa ni Willy sa Kapamilya network ay ang Family Feud, Deal or No Deal, at 1 vs 100.


Continue reading below ↓

Willy Cuevas with former ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former ABS-CBN employee Willy Cuevas (right) on Noli de Castro (left) saying Kapamilya employees are not loyal: "Ano pang gagawin nila doon kung wala na silang pagkukunan ng ikabubuhay? I think kaya niya lang nasasabi yun dahil may suweldo pa siya at hindi pa terminated ang kontrata niya."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results