Jerald Napoles: "Dumami po ang mga artista na naghahanap ng mga project."

by Jojo Gabinete
Sep 24, 2020
Actor Jerald Napoles on source of income: "Wala pa po na ibang fallback aside from the digital platforms sa ngayon."
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram

Anim na buwan nang apektado ng coronavirus pandemic ang entertainment industry, at ramdam na ramdam ito ng mga artista dahil sa kanilang mga naudlot na proyekto at mga nawalang trabaho.

Sa kaso ni Jerald Napoles, kinumusta ng Cabinet Files kung paano nito hinarap ang mga pagsubok na dala ng pandemya.

"Lumalaban, one day at a time," bungad ni Jerald.

"Maraming plano ang na-postpone sa buhay hindi lang sa akin, pati na rin sa ibang mga tao, pero hangga’t may mga chance pa rin for us to live the most out of this situation, laban pa rin."

Aminado si Jerald na malaking hamon ang kompetisyon sa trabaho dahil limitado ang producers na gumagawa ng bagong content—mapapelikula o telebisyon—gawa pa rin ng COVID-19.

"Ang pinakamalaking challenge po ay work. I have to put extra effort para magkaroon pa rin ng relevance and exposure.

"Extra effort in terms of content productions, kasi hindi lang ako aarte sa contents, ako rin ang editor, director, at cameraman.

Continue reading below ↓

"Bumagal kasi ang efforts to produce movies dahil maraming factors na nakakaapekto tulad ng quarantine restrictions and protocols."

Dagdag pa raw dito ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, na naging sanhi para mawalan ng trabaho ang karamihan sa mga artista ng broadcast giant.

Paliwanag ni Jerald: "'Tapos may isinara pang network. Although wala naman po akong kontrata sa ABS-CBN at maaari akong lumabas sa kahit na anong shows.

"E, dumami po ang mga artistang naghahanap ng mga project. So statistically speaking, tumaas ang competition. O, let’s say, humaba ang pila para makakuha ng roles o projects."

Huling napanood si Jerald sa FPJ's Ang Probinsyano, ang prime-time series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Bago ito ay bahagi siya ng GMA-7 prime-time series na Love You Two, na umere mula Abril hanggang Setyembre 2019.

Walang nabanggit si Jerald kung mayroon itong ginagawang acting project sa ngayon.

KIMJE DIGITAL CONTENT

Dahil matindi ang epekto ng COVID-19 sa entertainment industry, ang pagbubukas ng YouTube Channel ang naging fallback ni Jerald at ng kanyang girlfriend na si Kim Molina.

Continue reading below ↓

Sa kanilang tambalan bilang KimJe, mapapanood ang real-life kulitan nila—mula sa pranks at challenges hanggang sa Q&A at singing showdown nila.

Malaking tulong ito para magkaroon sila ng additional source of income.

Lahad ni Jerald, "Wala pa pong ibang fallback aside from the digital platforms sa ngayon.

"Even before the pandemic, I am deeply aware sa business side of digital content creation and marketing.

"Hindi ako expert sa bagay na ‘yan, pero nagkaroon ako ng passion na pag-aralan para ma-maximize yung platforms, in my behalf.

"Hence, somehow may mga brand pumasok sa mga individual social media platform namin ni Kim, bukod sa kita mismo ng YouTube channel namin."

Continue reading below ↓

ON MENTAL HEALTH

Nagpakatotoo si Jerald na dumanas siya ng anxiety attacks dahil sa biglang pagbabago ng takbo ng buhay ng lahat mula nang kumalat sa Pilipinas ang COVID-19.

Pero hindi raw niya tinambayan ito.

"Una, bago itong kinakaharap nating problema. Pangalawa, may risks involved especially sa ating health. At pangatlo, may feeling of being trapped kahit hindi.

"Sa akin po, ang process ko ay to acknowledge the anxiety, know its source, and then find a solution.

"If there’s none, try to look for the bright side, kahit sabihin nating mahirap, pero wala naman ibang uuto at makapagpapasaya sa sarili natin ngayon kundi ang choice natin na maging masaya tayo."

Minabuti raw niyang paglaanan ng oras ang mga bagay na magiging productive siya.

"Higit sa lahat, I focus on my creativity dahil dito ko ibinubuhos ang energy ko, kesa mag-dwell sa anxiety.

"Pero magkakaiba tayo ng mga pinagdaraanan, ito po ay proseso ko lang for myself, at maaring hindi para sa lahat.

Continue reading below ↓

"Lastly, may Kim Molina sa tabi ko na masasandalan ko during the times na down ang pakiramdam ko."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Jerald Napoles on source of income: "Wala pa po na ibang fallback aside from the digital platforms sa ngayon."
PHOTO/S: @iamjnapoles Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results