Jenine Desiderio, sa UK nag-celebrate ng 50th birthday kasama sina Janella at Markus

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2020
Singer-actress Jenine Desiderio posts some photos of her 50th birthday celebration in United Kingdom with children Janella and Russel, Janella's boyfriend Markus Paterson, and Markus's dad George.
PHOTO/S: Instagram

“Golden Girl” na ang singer-actress na si Jenine Desiderio noong September 23.

Ipinagdiwang niya ang 50th birthday sa United Kingdom, sa piling ng kanyang mga anak na sina Russel at Janella Salvador, ang boyfriend ni Janella na si Markus Paterson, at ang ama ni Markus na si George Paterson.

Noong September 12, kinumpirma sa report ng PEP.ph na buntis si Janella sa magiging anak nila ni Markus. Pero wala pang kumpirmasyon o denial mula sa kampo ng dalawa.

Hindi naman inilihim ni Jenine ang UK trip nila ng kanyang bunsong anak na si Russel dahil naka-post sa social media accounts niya ang kanilang litrato habang sakay ng eroplano.

Ang social media post ni Jenine ang lalong nagpaigting sa balitang bibisitahin nila si Janella dahil buntis nga ito at nakatakdang magsilang sa October 2020.

Nag-post din si Jenine ng video ng paglalaro nina Russel at Markus sa bakuran ng tahanan nito.

Continue reading below ↓

Kagabi, September 24, ang larawan ng simple birthday celebration niya sa tahanan ng mga Paterson ang inilabas ni Jenine sa kanyang social media accounts.

Kasama sa litrato si Janella. Ito ang unang pagkakataong nakita ng publiko ang kanyang hitsura matapos mapabalitang buntis siya.

Hindi makikita sa litrato ang lower part ng katawan ni Janella, pero ang nadagdagang timbang niya ang napansin ng netizens.

Pinasalamatan ni Jenine sina Janella, Markus at ang ama nito dahil ang tatlo ang naging abala para maging memorable ang kanyang 50th birthday celebration.

Nagpasalamat din si Jenine sa lahat ng mga nakaalaala sa kaarawan niya at nagpadala sa kanya ng mga mensahe.

"Thank you very much for all the greetings & wishes. It truly was a memorable quarantine birthday for me here in the UK!

"Special thanks to @superjanella & @markus for the cake & for cooking this special surprise dinner for me of lobsters, fusilli in fresh mushroom sauce & chilli prawn tomato spaghetti!

Continue reading below ↓

"Done with the help of their look-out, Russel. And to Mr. P, for his special homemade Cherry Gin.

"My heart is full. God is good all the time, “ ang pasasalamat ni Jenine na dinugtungan niya ng hashtag na #familyislove.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Jenine Desiderio posts some photos of her 50th birthday celebration in United Kingdom with children Janella and Russel, Janella's boyfriend Markus Paterson, and Markus's dad George.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results