Julia Barretto, sinampahan ng cybercrime complaint si Jay Sonza sa NBI

by Jojo Gabinete
Sep 25, 2020
Nagtungo si Julia Barretto at ang ina niyang si Marjorie Barretto (with pink handbag) sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong umaga, September 25, upang sampahan ng cybercrime complaint ang dating broadcaster na si Jay Sonza.

Nagsadya ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Biyernes ng umaga, September 25.

Ito ay para pormal na sampahan ng cybercrime complaint ang dating brodkaster na si Jay Sonza dahil sa ipinakalat nitong maling tsismis sa Facebook page nito noong September 21, 2020.

Hiniling ng aktres sa NBI na imbestigahan ang malisyosong post ni Jay.

Kasama ni Julia, 23, na nagtungo sa NBI ang kanyang inang si Marjorie Barretto.

Sa Facebook post ni Jay, sinabi nitong buntis si Julia, at si Gerald Anderson ang ama ng kanyang dinadala.

Bahagi ng maling impormasyong ibinahagi ni Jay: “Napatunayan ni Visoy -- Visayan Tisoy Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at ni Marjorie na si Julia Barretto na kapwa hindi sila baog.

"After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) -- may nabuo sa sinapupunan ni Julia."

Parehong itinanggi nina Julia at Gerald ang alegasyon ni Jay.

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, naglabas ng opisyal na pahayag si Julia tungkol sa pagpunta niya sa NBI.

Ayon sa aktres, "untrue" and irresponsible" ang ipinakalat na balita ni Jay.

Nagsanhi raw ng "distress" kay Julia at sa pamilya niya ang kumalat na maling balita.

Hindi raw ito palalampasin ni Julia, at lahat ng mga naglathala ng "reckless and baseless posts" ay pananagutin niya.

Narito ang kabuuang pahayag ni Julia:

"I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible.

"The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family.

"I don't want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagtungo si Julia Barretto at ang ina niyang si Marjorie Barretto (with pink handbag) sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong umaga, September 25, upang sampahan ng cybercrime complaint ang dating broadcaster na si Jay Sonza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results