Noong September 17, naglabas ng announcement tungkol sa cancellation ng Kahit Minsan Lang.
Ang Kahit Minsan Lang ay ang drama series na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Rafael Rosell, at Richard Gutierrez.
Ang Star Creatives, entertainment production unit ng ABS-CBN, ang producer ng Kahit Minsan Lang.
Nagsimula ang taping ng teleserye isang taon na ang nakalilipas hanggang abutan ito ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
"The nature of the material developed for [Bea] Alonzo cannot be accommodated at present because of the restrictive scenarios of shooting. Nonetheless, Star Creatives said it is looking forward to working with Alonzo again in the future," bahagi ng official statement ng Star Creatives tungkol sa cancellation ng programa.
However, isang production insider ang nagsabing itutuloy pa rin ng Star Creatives ang Kahit Minsan Lang dahil si Bea lamang ang mawawala sa cast.
Si Bea ang lead star ng project. Natatakot pa umano ang aktres magtrabaho dahil sa coronavirus pandemic kaya napagdesisyunang palitan siya.
Diumano, may mga aktres nang pinagpipilian ang Star Creatives para maging kapalit ni Bea bilang pangunahing bida ng Kahit Minsan Lang.
Bea Alonzo (center) with Kahit Minsan Lang co-stars (from left) Christian Bables, Rafael Rosell, Richardc Gutierrez, and Jameson Blake
FROM BURADO TO WALANG HANGGANG PAALAM
Walang ipinagkaiba ang nangyari sa Kahit Minsan Lang sa kaso ng Burado, ang TV series na tatampukan sana nina Julia Montes at Nadine Lustre.
Noong August 10, 2020, naglabas ng announcement ang Dreamscape Entertainment Inc. tungkol sa shelving o cancellation ng Burado dahil sa COVID-19 pandemic.
"Difficult to mount at at this time" ang statement ng Dreamscape Entertainment, Inc.
Pero lumitaw ang katotohanang itinuloy pa rin ang project. Pinalitan lamang ng pamagat—from Burado to Walang Hanggang Paalam—at ang dalawang bidang babae, sina Julia at Nadine.
Sina Angelica Panganiban at Arci Muñoz ang ipinalit kina Julia at Nadine. Samantalang nanatili naman sina Zanjoe Marudo at Paulo Avelino bilang leading men ng proyekto
Gaya ni Bea, takot din umano sina Julia at Nadine magtrabaho habang matindi pa ang banta ng coronavirus.
Mismong ang mga artista ng Walang Hanggang Paalam ang nagpatotoo na ito pa rin ang Burado, na binago lamang ang pamagat dahil nawala nga sa cast sina Nadine, Julia, at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika