Isabelle Daza, bumalik sa Eat Bulaga; noontime show ng TV5, kumpleto na ang hosts

by Jojo Gabinete
Sep 26, 2020
After six years ay muling napanood si Isabelle Daza sa Eat Bulaga. Siya ang celebrity judge sa "Bawal Judgmental" segment ngayong Sabado, September 26.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Makalipas ang anim na taon, muling nagbalik si Isabelle Daza sa Eat Bulaga.

Siya ang celebrity judge ng "Bawal Judgmental" nitong Sabado ng tanghali, September 26, 2020.

Ipinakilala si Isabelle na co-host ng Eat Bulaga! noong December 2011, pero tatlong taon lamang ang itinagal niya sa noontime show ng GMA-7 dahil lumipat siya sa ABS-CBN noong November 2014.

Sa susunod na buwan, si Isabelle ang magiging special guest co-host ng Laugh Out Loud, ang bagong noontime show ng TV5. Dalawang linggo siyang mapapanood doon bilang guest co-host.

Ang Lunch Out Loud ay ipoprodyus ng Brightlight Productions, ang production company na pag-aari ni dating Congressman Albee Benitez.

Sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, KC Montero, Wacky Kiray, at K Brosas ang mga host ng Lunch Out Loud.

Unang napabalitang kasama sa Lunch Out Loud si Alex Gonzaga at ang mag-amang Edu at Luis Manzano, pero hindi na matutuloy ang kanilang partisipasyon sa nabanggit na noontime show.

Continue reading below ↓

Personal ang dahilan ni Alex kaya hindi nito tinanggap ang alok maging co-host ng programa, samantalang hindi pa tapos ang exclusive contract ni Luis sa ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After six years ay muling napanood si Isabelle Daza sa Eat Bulaga. Siya ang celebrity judge sa "Bawal Judgmental" segment ngayong Sabado, September 26.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results