Mystery woman sa viral video ni Cesar Montano, lumantad na

by Jojo Gabinete
Sep 27, 2020
Sa kanyang birthday video greeting para sa kaibigang entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal, isinama ni Cesar Montano ang isang babae na pinaniniwalaang partner niya ngayon. Ayon sa ilang netizens, ang pangalan ng babaeng kasama ng aktor ay Ma. Socorro.
PHOTO/S: Facebook

Ipinost ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal sa Facebook page niya ang birthday greeting video ni Cesar Montano para sa kanya.

Nagmistula itong re-enactment ng pagbati ng aktor kay Barangay Kagawad Chris Morales ng Sta. Ana, Manila noong October 2018.

“Happy birthday Kagawad Chris Morales of Sta. Ana. More power to you. Don’t forget na merong Cesar Montano na nagsu-support sa iyo, si Buboy. Love you, men. Happy birthday. God bless,” linya ni Cesar sa video clip na naging kontrobersiyal at nag-viral noon dahil hindi napansin ng aktor na nahagip ng cellphone camera niya ang isang hubad na babae.

Fast forward to September 26, 2020: Nagpahatid ng pagbati si Cesar kay Dolly Anne para sa kaarawan nito. Wala itong ipinagkaiba sa video greeting ng aktor para kay Kagawad Morales.

But this time, hindi na nakahubad ang babae sa background na tinawag ni Cesar para bumati rin kay Dolly Anne ng "Happy birthday."

Continue reading below ↓

"BFF, Happy, happy birthday to you! Huwag mong kakalimutan na merong Buboy, Cesar Montano, na nagmamahal at nagdarasal ng safety and good health, 'yan! I love you, BFF Dolly!"

Natatawang biro pa ng actor-director, "BFF, yung talent ko, nandidiyan na. Sandali, bakit may damit na ito, ah?"

Sagot ng babae, "Siyempre, wholesome tayo ngayon. Happy birthday, Mare. We love you!"

Natatawa pa ring saboi ni Cesar, "Next time, yung isa kong talent, available na. ‘Yon talaga, daring ‘yon. Next time na lang ‘yon.

"We love you, BFF Dolly Anne. God bless you and your entire family. We love you!”

Continue reading below ↓

Nag-make face ang babaeng kasama ni Cesar, at ang naging reaksiyon nito ang kumpirmasyong siya ang mystery woman sa viral clip na pinagpistahan noong October 2018.

Maria Socorro o Kat ang pangalan ng babae.

Ayon sa masisipag na netizens na nag-research noong October 2018, siya ang matagal nang partner ni Cesar, na ginawa na lamang biro at katatawanan ang kanyang viral video.

Ang paglantad ni Kat sa video ang isang patunay na hindi na nila inililihim ni Cesar ang kanilang pagsasama.

Malaya na si Cesar makipagrelasyon sa ibang babae dahil ipinagkaloob ng korte ang annulment ng kasal nila ni Sunshine Cruz noong September 2018.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang birthday video greeting para sa kaibigang entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal, isinama ni Cesar Montano ang isang babae na pinaniniwalaang partner niya ngayon. Ayon sa ilang netizens, ang pangalan ng babaeng kasama ng aktor ay Ma. Socorro.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results