Carmi Martin, ibinahagi ang pagiging COVID survivor

by Jojo Gabinete
Sep 28, 2020
PHOTO/S: Facebook

Halos pareho ang karanasan ng mga aktres na sina Maureen Larrazabal at Carmi Martin.

Kung hindi pa sila sumailalim sa COVID-19 swab test, na requirement para sa kanilang mga TV project, hindi makukumpirmang positibo ang dalawa sa coronavirus.

Ibinahagi ni Carmi ang pagiging COVID-19 survivor niya sa kanyang Facebook friends ngayong Lunes, September 28.

Walang naramdaman si Carmi na anumang sintomas ng COVID-19 kaya ikinagulat at ikinasama ng loob niya ang resulta ng swab test sa kanya.

"Last September 13, I went to Philippine Red Cross for a swab test that was a requirement for a digital series under Star Cinema, then the following day, got the result that I was positive of COVID-19," umpisang kuwento ni Carmi tungkol sa kanyang coronavirus journey.

"I really felt bad because I have no symptoms except for my BP shoot up, and also for not able to do the project since I was so prepared and really was so excited to do it.

Continue reading below ↓

"The 2-week quarantine became a HONEYMOON WITH GOD. I spent each day with prayers and praying for others, singing beautiful songs for our Lord and listening to excellent preachings each day.

"Having a positive attitude, exercising and eating healthy food specially prepared made me recover well. I am also very thankful for all the people who supported me during this hard times."

Pinasalamatan ni Carmi ang kanyang mga kaibigan gaya nina Coney Reyes, Gladys Reyes, at Pastor Paolo Punzalan dahil sa mga panalangin at suporta na ibinigay sa kanya.

Nagpasalamat din si Carmi sa mga doktor, nurse, at sa ABS-CBN Medical team na nag-alaga sa kanya.

Higit sa lahat, pinasalamatan at pinapurihan niya ang Diyos na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.

"Panginoong Diyos, salamat sa pagkakataon na mas lalo akong manalig sa IYO at maging blessing sa ibang tao na may mga pinagdadaanan sa panahon ng COVID.

"My 2-week quarantine was so precious because spending time with GOD will always be the BEST! PRAISE GOD for I am now COVID free!" masayang pahayag ni Carmi.

Continue reading below ↓

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results