AlDub fans, pinuprotesta ang pagpasok ni DJ Loonyo sa Eat Bulaga!

by Jojo Gabinete
Sep 29, 2020
Trending sa Twitter si DJ Loonyo (kanan) dahil sa pagtutol ng AlDub fans, na nananawagang ibalik ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza (kaliwa) sa Eat Bulaga.
PHOTO/S: Facebook / YouTube

"DLubyo at Same Step" ang sarkastikong tawag ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza kay DJ Loonyo.

Trending ngayon sa Twitter ang mga hashtags na #NoAldubNoToEB, #AlDubFullOfHope, at #ALDUBatADNWasteNot dahil ayaw nilang napapanood sa Eat Bulaga! ang dancer at social media influencer na napansin sa panahon ng coronavirus pandemic.

Nagtatampo ang AlDub fans dahil matagal nang hindi nakikita si Alden sa Eat Bulaga, pero may DJ Loonyo na dalawang araw nang napapanood sa "Bawal Judgmental" segment ng Kapuso noontime show.

Nagsimula kahapon, Lunes, September 28, ang "Bawal Judgmental" stint ni DJ Loonyo. Mga dancer noong dekada ’80 ang choices na pinahulaan sa celebrity judge na si Pauline Mendoza.

Sa pangalawang pagkakataon, muling napanood sa Eat Bulaga! ngayong araw, September 29, ang popular male dancer para ipakita ang kanyang dance moves.

Unang lumabas si DJ Loonyo sa Eat Bulaga! noong September 19 bilang celebrity judge sa "Bawal Judgmental."

Magiliw na magiliw at bilib na bilib si Vic Sotto sa mahusay na pagsasayaw ni DJ Loonyo.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito aprubado sa mga tagahanga nina Alden at Maine na tutol na magkaroon ng bagong mukha sa Eat Bulaga.

Si DJ Loonyo ang napagdiskitahan ng AlDub supporters dahil sa exposure niya sa "Bawal Judgmental" at "Pamilya Nunal" segments na dating tinatampukan ni Alden.

Ang ibalik ang tandem ng AlDub sa Eat Bulaga! ang panawagan ng loyal supporters nina Alden at Maine.

Hindi na raw kailangang magdagdag ng bagong talent dahil masaya na sila sa grupo nina Maine, Alden, Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

"Cost cutting" pero kumukuha ng ibang guest at nagiging paningit na lamang sina Pia Guanio at Ryan Agoncillo ang mabigat na paratang ng AlDub fans sa Eat Bulaga! management.

Pero ayon sa isang insider, walang cost cutting na nangyayari dahil limitado lamang sa tatlo ang mga host sa Cainta studio ng noontime program ng TAPE Inc. bilang pag-iingat laban sa coronavirus.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Trending sa Twitter si DJ Loonyo (kanan) dahil sa pagtutol ng AlDub fans, na nananawagang ibalik ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza (kaliwa) sa Eat Bulaga.
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results