Julia Barretto, pumirma ng five-year management contract sa Viva

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2020
Kapamilya star Julia Baretto is now officially a Viva artist. Julia signed a five-year exclusive management contract with Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Instagram

Opisyal na ipinakilala si Julia Barretto ngayong Miyerkules, September 30, bilang talent ng Viva Artists Agency, ang talent management ng Viva Entertainment.

Ginaganap ngayong hapon ang virtual welcome press conference ang VAA para sa 23-year-old actress.


Si Julia ay former talent ng Star Magic mula 2006 hanggang hindi pagkalooban ng Kongreso ng franchise ang Kapamilya network noong July 10, 2020.

Continue reading below ↓

Ang Star Magic ang talent management arm ng Kapamilya Network.

Limang taon ang exclusive contract na pinirmahan ni Julia sa Viva Artists Agency. Malalaman sa magaganap na virtual presscon ang mga plano para sa kanya ng bagong home studio niya.

Si Julia ay anak ng ex-couple na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, na parehong contract stars noon ng Viva Films. Kaya tiyak na magiging komportable rin siya sa dating home studio ng kanyang mga magulang.

Si Julia ang isa sa pinakakontrobersiyal na young actress ng henerasyon nito, kaya kaabang-abang ang pagharap niya sa entertainment press dahil sa mga isyung kanyang kinasasangkutan at naghihintay ng mga kasagutan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Julia Baretto is now officially a Viva artist. Julia signed a five-year exclusive management contract with Viva Artists Agency.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results