Ai-Ai delas Alas, deadma sa detractors ng kanyang BLACKPINK cover

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2020
Ai-Ai delas Alas, may mensahe para sa mga umiisyu sa kanyang BLACKPINK production number sa All-Out Sundays: "Okey na rin na pinagtatawanan nila ako. At least, napansin ako ng fans ng BLACKPINK."
PHOTO/S: Screengrab from All-Out Sundays

Hindi nagtaka si Ai-Ai delas Alas nang malaman nitong trending na ang video ng guesting niya sa All-Out Sundays ng GMA-7 noong Linggo, September 27.

Ginawan kasi niya ng cover version ang "How You Like That" at ibang mga hit songs ng popular South Korean girl group na BLACKPINK.

Ang apat na miyembro ng BLACKPINK ay sina Jisoo, Jennie, Rosé, at Lisa.

Ayon kay Ai-Ai, nag-trend na rin noon ang performance niya sa The Clash dahil ang kanta ng BLACKPINK ang kanyang inawit.

Isa lang ang ikinababahala ni Ai-Ai: ang tila nagugulumihanang reaksiyon ng foreign fans ng BLACKPINK sa video ng "How You Like That."

Ikinaloka ni Ai-Ai ang tweet ng isang dayuhan na tagahanga ng BLACKPINK.

Sabi nito, "Helpp.What is this? Where did this come from?"


Continue reading below ↓

May isa ring Pinoy netizen ang namangha sa lakas ng loob ni Ai-Ai na gawan ng song and dance cover ang "How You Like That" ng BLACKPINK.


UNFAZED AI-AI

Natatawang inihayag ni Ai-Ai ang pagtataka niya kung anong nais ipahiwatig ng tweet ng netizen.

"Bakit help? Sino raw ako at bakit kumakanta ako?

Continue reading below ↓

"Huwag na silang ma-shock, normal ko na ‘yon. At least, makikilala na nila ako—ang Oppa Queen ng Philippines," pabirong sabi ng Comedy Queen.

Solong nakausap ng Cabinet Files si Ai-Ai ngayong Miyerkules, September 30.

Ito ay pagkatapos daluhan ni Ai-Ai ang Zoom presscon ng GMA-7 para sa Season 3 ng The Clash, na magbabalik sa telebisyon sa October 3, 2020.

Hindi isyu kay Ai-Ai kung may mga bumabatikos man sa BLACKPINK production number niya sa All-Out Sundays.

"Parang medyo alam ko na magte-trending ang Blackpink concert ko sa All-Out Sundays kasi nag-trending din yung BLACKPINK performance ko sa grand finals noon ng The Clash.

"Okey na rin na pinagtatawanan nila ako. At least, napansin ako ng fans ng BLACKPINK."

HUGE FAN OF BLACKPINK

Sadyang iniidolo raw ni Ai-Ai ang BLACKPINK.

Diin pa ni Ai-Ai, "Wala naman akong intensiyon na masama kundi ang ibahagi ang talent ko sa pagkanta sa mga idol ko na BLACKPINK.

Continue reading below ↓

"Napasasaya ko sila, at the same time, okey nang ma-shock sila sa akin kesa ma-shock sila sa sakit na dulot ng COVID-19.

"Happy thoughts and good vibes lang."

Sa huli, sinabi ni Ai-Ai na pangarap niyang magkaroon ng collaboration sa BLACKPINK balang-araw dahil libre naman daw ang mangarap.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas, may mensahe para sa mga umiisyu sa kanyang BLACKPINK production number sa All-Out Sundays: "Okey na rin na pinagtatawanan nila ako. At least, napansin ako ng fans ng BLACKPINK."
PHOTO/S: Screengrab from All-Out Sundays
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results