Christian Bautista, wala munang planong magka-baby ngayong may pandemic

by Jojo Gabinete
Oct 1, 2020
Christian Bautista on baby plans with wife Kat Ramani: "The virus is still everywhere, cases are still going up. So for now, parang hindi po muna namin pina-plan as of the moment, until medyo nakarating na kami ng level of consistency, either sa rising cases..."
PHOTO/S: Instagram

Halos dalawang taon nang kasal sina Christian Bautista at Kat Ramnani.

Ang plano nilang magkaroon ng anak ang itinanong namin sa singer-actor sa virtual press conference ng The Clash Season 3 kahapon, September 30.

Ang The Clash ay ang reality talent competition ng GMA-7 na magbabalik sa telebisyon simula sa Sabado, October 3.

Isang malaking hamon para kay Christian ang magkaroon ng anak sa panahon ng coronavirus. Pero sa ngayon, wala pa raw ito sa plano nila ng asawa niya.

Saad ni Christian, "That is a very challenging idea or question.

"Meron families na nagkaroon din ng baby during the pandemic. Meron din challenges, of course, na wala pang vaccine.

"Some people are okay na going to hospitals, some people are still scared of going to hospital.

"The virus is still everywhere, cases are still going up.

"So for now, parang hindi po muna namin pina-plan as of the moment, until medyo nakarating na kami ng level of consistency, either sa rising cases... kasi yung ibang bansa, kaya naman, e.

Continue reading below ↓

"Yung ibang bansa, habang wala pang vaccine, nabababa nila.

"Sa South Korea, yung kaibigan namin, meron nang musical.

"Kaya pala nila, so kaya din natin. Naniniwala ako.

"Pero ngayon, parang medyo careful muna kami ni Kat."

Ayaw na ayaw nang naririnig ni Christian ang salitang "new normal."

"I’m so sick of the word new normal. Pwede bang sabihin na natin normal?

"This is the normal, pero how do we adapt to the normal? What do we do? How do we earn? Do we sell or do we buy o do we invest it?” tanong ni Christian.

Nagpasalamat naman si Christian sa mga ayudang ibinibigay ng GMA Network, Inc. sa mga artista at sa muling pagbabalik sa telebisyon ng The Clash at All-Out Sundays.

"Salamat dahil nakaangat na uli on stage. Salamat dahil may nakakausap na kami, kahit malayo," sabi ni Christian.

Maraming beses nang sumailalim ang Kapuso singer sa swab test dahil ito ang requirement bago makapasok sa GMA Network studios ang mga artista at production staff ng bawat programa.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christian Bautista on baby plans with wife Kat Ramani: "The virus is still everywhere, cases are still going up. So for now, parang hindi po muna namin pina-plan as of the moment, until medyo nakarating na kami ng level of consistency, either sa rising cases..."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results