Aga Muhlach: "Tigilan na natin ang mga dibisyon ng mga artista."

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2020
Aga Muhlach: "Tigilan na natin ang mga dibisyon ng mga artista. Sama-sama tayong lahat nagtatrabaho, mas gaganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi magkakahiwalay. Hiwalay din, e... may Kapuso, may Kapamilya, may Kapatid, may ganyan! Lahat tayo nasa entertainment industry."
PHOTO/S: Viva Entertainment Facebook

May apela si Aga Muhlach sa Zoom presscon ng Masked Singer Pilipinas na nangyari ngayong Martes ng hapon, October 6.

Hiling ng 51-year-old actor na magkaroon ng pagkakaisa at pagsasama-sama ang lahat ng mga artista para mahinto ang pagkakawatak-watak na nagaganap sa Philippine entertainment industry.

Ipinaalaala ni Aga na magkakasama ang lahat ng mga artista noong dekada ’80 at ’90, ang panahong malayang lumabas sa iba't ibang TV stations ang mga artista.

Pero nagbago ang sistema nang magdeklara ng exclusivity ang management ng mga TV network.

Saad ng dating matinee idol, "Ito pa yung noon ko pa sinasabi, dapat kasi hindi divided ang mga artista.

"In the '80s, ‘90s, remember, sama-sama lang lahat, and then nagkaroon ng division."

Tila siguradong-sigurado si Aga sa kanyang mga sinasabi dahil naramdaman niya ang division ng mga artista nang maging talent siya noon ng TV5.

"Sa lahat ng mga taga-ABS-CBN, galing din ako sa ABS-CBN, nagpunta ako ng TV5, there’s division, really."

Continue reading below ↓

Sabi pa niya sa Masked Singer Pilipinas host Billy Crawford and co-judges Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli, "You guys are salba sa mga nangyayari sa ABS-CBN.

"But ang gusto ko lang sabihin sa inyo, huwag niyo sanang maramdaman na iba kayo dito.

"Parang dapat pare-pareho tayo, magkakasama tayo sa industriyang ito, iisa ang ginagalawan natin.

"Tigilan na natin ang mga dibisyon ng mga artista.

"Sama-sama tayong lahat nagtatrabaho, mas gaganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi magkakahiwalay.

"Hiwalay din, e... may Kapuso, may Kapamilya, may Kapatid, may ganyan! Lahat tayo nasa entertainment industry."

Binago ng coronavirus pandemic ang pamumuhay ng lahat ng tao sa buong mundo. Pero para kay Aga, may dapat ipagpasalamat sa COVID-19 dahil sa mga importanteng aral na hatid nito.

"Salamat din sa COVID, sa nangyayaring ito. So ngayon magkakasama tayo. Nasa TV5 tayo because ito yung show ngayon.

"Sa susunod, kapag nagkaroon ng show ang GMA 7, nagkaroon ng show ang sinuman, bakit hindi, di ba? Sama-sama lang, sana ganoon," asam niya.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach: "Tigilan na natin ang mga dibisyon ng mga artista. Sama-sama tayong lahat nagtatrabaho, mas gaganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi magkakahiwalay. Hiwalay din, e... may Kapuso, may Kapamilya, may Kapatid, may ganyan! Lahat tayo nasa entertainment industry."
PHOTO/S: Viva Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results