Ang Deine Farbe ang opening film sa World Feature banner ng 11th Soho International Film Festival New York City (SIFFNYC).
Magsisimula ito sa October 15, 2020 at mapapanood via livestream.
Si Maria Diane Ventura ang Filipino director ng Germany-based drama na napili sa mahigit isang daang pelikula na umasa na maging inaugural film sa kick-off ng SIFFNYC.
Isang decorated independent film body ang SIFFNYC.
May pan-continental scope at may layunin ito na ipagdiwang ang mga pelikula na may cutting-edge digital technology pero tradisyonal ang paglalahad ng kuwento.
Sina Octavia Spencer, Danny Aiello, Adam Brody, Sean Young, Joe Jonas, at Pierce Brosnan ang ilan sa mga popular personality na naging bahagi ng SIFFNYC.
Ang Deine Farbe ang unang international film feature ni Ventura na pinagbibidahan ng German actors na sina Jannik Schumann at Nyamandi Adrian.
“I dream of making films in places whose cultures differ from my own.
"Ultimately, I want to prove that despite our fundamental differences, emotional experiences are universal,” pahayag ni Ventura na unang napansin dahil sa Mulat.
Ito ang unang pelikula na ginawa niya habang nag-aaral pa siya sa isang film school at tumanggap ng mga papuri sa International Film Festival Manhattan at World Cinema Brazil.
Muling kinilala ang husay ni Ventura bilang direktor nang ipalabas sa Berlin at New Delhi ang Deine Farbe.
Best Woman Filmmaker and Best Feature for the Vegas Film Awards,
Best Cinematography and Best Feature for the Canadian Cinematography Awards,
Best Ensemble Cast for Couch Film Festival in Toronto, at citation mula sa Canada’s Cyrus Film Festival ang mga parangal na tinanggap ni Ventura para sa Deine Farbe.
Pero sa interview sa kanya ng legendary magazine na NME, sinabi niya na, “I’m just an independent filmmaker still trying to navigate her way into this world.”
Bukod sa opening film ng SIFFNYC, in competition ang Deine Farbe sa Spanish film bodies Calella Film Festival at L'Hospitalet De Llobregat sa Barcelona;
Lonely Wolf Film Festival and Gold Movie Awards sa London; Diorama International Film Festival sa New Delhi, India; at Geelong Underground Film Festival sa Australia.
Napansin din ang pelikula ni Ventura sa Los Angeles Lift-Off Film Festival, New Filmmakers NY Festival, New York Movie Awards, at Skiptown Playhouse International Film Festival.
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!